Piolo nagpatakam sa kanyang negosyong donut!

Piolo
STAR/ File

Naalala sa pagkukumpara sa hagdan at lovelife...

Mas masarap pa rin daw si Piolo Pascual kesa sa binebenta niyang donut.

Ito ang reaction ng mga nag-comment sa ipinost ni Papa P na negosyo niyang donut na kulay Pink ang motiff. P-Donut ang official name nito.

Anyway, nauna nang inamin ni Piolo sa ilang interview na wala siyang oras makipagrelasyon.

Mas tutok raw talaga siya sa maraming gagawing teleserye at pelikula.

Plus may mga negosyo pa siya.

Isa sa hugot ni Papa P sa lovelife ay “Ang love parang hagdan huwag kang magmamadali kung ayaw mong mahulog at masaktan.”

So alam na yern.

Hindi siya nagmamadaling magka-jowa.

Show comments