‘Dapat Alam Mo!,’ eere na rin sa GMA!

Susan, Kuya Kim at Patricia
STAR/ File

Mapapanood na rin sa GMA ang news magazine show na Dapat Alam Mo!, hosted by Kuya Kim Atienza, Susan Enriquez, at Patricia Tumulak.

Dahil parehong nasa GMA at GTV na ang programa, mas marami nang makakapanood ng mga latest, hottest, at trending na balita na talaga namang dapat alam ng viewers.

For sure, tuwang-tuwa ang lahat ng sumusubaybay at gustong sumubaybay dahil sa good news na ito!

Wagi ang may alam sa Dapat Alam Mo! na eere sa GMA, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon bago mag-24 Oras.

Mapapanood pa rin ito sa GTV, Lunes hanggang Biyernes, 5:30 ng hapon.

Show comments