^

PSN Showbiz

Wish ni Tali, natupad!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Wish ni Tali, natupad!
Tali
STAR/ File

Ang saya naman ni Pauleen Luna Sotto. Matutupad na rin ang wish ng anak nila ni Bossing Vic Sotto na si Talitha na magkaroon ng kapatid.

Sure nang buntis si Pauleen sa ikalawa nilang anak na excited talaga si Tali na makita at makalaro na. Lutang na lutang ang excitement ng panganay nila sa video na ipinakita ni Pauleen sa social media.

Talagang pati ang fans ng Tito, Vic at Joey ay hinihintay na ang 2nd baby nina Vic at Pauleen. Sabik din ang mga itong makita kung sino ang magiging kamukha ng baby nila. Bongga, meron na naman kaming bagong baby.

Lorna nag-absent sa Quiapo... para sa kasal nina Arjo at Maine

Katawa talaga ang mga nangyayari sa paligid. Mabuti naman at naikasal na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza nang tahimik.

Ang ganda ng wedding nila na hindi naging circus at tahimik na naganap. Ang ganda ng celebration. Talagang they made the celebration special dahil na nga ayaw nila na maging fiesta ang atmosphere ng wedding.

Bongga dahil hitsurang mag-absent sa Batang Quiapo si Lorna Tolentino, talagang nag-attend siya ng wedding dahil BFF niya si Sylvia Sanchez. Kahit inggit kami, natuwa na lang kami na at long last Mrs. Arjo Atayde na si Maine Mendoza.

Congrats to the newlyweds, bongga.

vuukle comment

PAULEEN LUNA SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with