Hindi pa rin tapos ang pang-iimbyerna ng ilang netizens kay Kabayan Noli de Castro pagkatapos nitong mag-one-liner sa katatapos na kasal nina Arjo Atayde at Maine Mendoza noong Biyernes sa Baguio City.
“Kayo habang kinakasal, kawawa naman ‘yung mga binagyo,” dialogue ni Kabayan Noli nung ibalita ni Gretchen Fullido sa showbiz segment ng news program nilang TV Patrol noong Biyernes ang ilang kaganapan sa Arjo-Maine wedding
“Si Egay na kalalabas lang ay may papalit naman na si Falcon. At ang possibility na maaaring ang dinaanan ni Egay ay daanan din ni Falcon at mabigat ‘yan na pasanin sa mga kababayan na hindi pa rin nakakabangon hanggang ngayon. ‘Andoon pa rin sa lugar kung saan napinsala sila ng bagyo at binabaha,” sabi pa ng beteranong broadcaster.
Basag-trip din sa nasabing kasalan ang ilang diehard ng AlDub (Alden Richards and Maine Mendoza) fans.
Fake raw ang pinakasalang Maine ni Arjo dahil ang totoong Maine raw ay may tatlong anak na kay Alden.
“Sorry po I still stick to what I believe... I KNOW THE REAL NICOMAINE DEI MENDOZA IS MARRIED TO RICHARD FAULKERSON JR & THEY HAVE 3 KIDS... MAY RESIBO AKO NYAN.... KAYA YOU CANT MAKE ME BELIEVE.. SARRY BASH PAMORE..”
Grabe.
Hahahaha.