Jane, natutunang alagaan ang sarili dahil kay RK!
Mahigit dalawang dekada nang aktibo sa show business si Jane Oineza. Masayang-masaya ang aktres dahil natupad na ang pangarap na makapagbida sa isang serye.
Napapanood ang dalaga ngayon sa Nag-aapoy na Damdamin kasama nina Ria Atayde, Tony Labrusca at JC de Vera. “Sobrang kilig, sobrang thankful dahil binigyan nila ako ng ganitong opportunity at hindi ko ‘yon ipu-put to waste. Ibibigay ko talaga ang best ko kaya asahan n’yo na papainitin namin ang mga hapon n’yo. Sobrang happy, alam ko naman na hindi rin siya overnight success. I also put my hard work in this. So I’m just really happy that all of this is happening now,” nakangiting pahayag ni Jane.
Iba’t ibang karakter na ang nagampanan ng aktres mula pa noon. May mga pagkakataong nakwestiyon na ni Jane ang sarili dahil hindi pa nabibigyan ng pagkakataong makapabida sa isang serye sa mga nakalipas na taon. “May mga times na dina-doubt ko na ano pa ba ang dapat kong gawin. Pero mas nananaig ‘yung patience lang talaga and kailangan ko i-prepare ‘yung sarili ko para ‘pag dumating ‘yung opportunity ready kang i-accept ‘yon. Mas ready ka sa opportunity, mas ready ka sa laban. Dapat i-prepare mo lang ‘yung sarili mo for that. Hindi naman ako tinamad, laging bigyan n’yo lang ako ng opportunity at gagawin ko ‘yung best ko, 22 years na. Sobra akong kinikilig na nando’n na tayo ngayon,” pagbabahagi ng dalaga.
Kapansin-pansin ngayon ang magandang hubog ng katawan ni Jane.
Ayon sa aktres ay malaking impluwensya ang kasintahang si RK Bagatsing upang mas alagaan pa ang sarili. “Simula no’ng nag-pandemic, nagkaroon ako ng extra time tutukan ‘yung sarili ko at simula din no’ng bagong relationship ako. Mas nagkaroon din ako ng time to take care of myself, to improve myself. Lahat ‘yon nag-align sabay-sabay nangyari. Nagkaroon ako ng time to trial and error. Ano ba ang pwede ko i-improve? Ano ba ang pwede kong gawin, baguhin? Lahat ‘yon hard work kaya hindi rin siya agad-agad nakita. Ngayon ko lang na-feel ang pagiging proud sa pinaghirapan ko kasi lahat ‘yon diet, exercise, kahit feeling ko parang wala naman yatang nangyayari. Ang secret pala is maging mas consistent ka lang. Huwag mo lang i-doubt ‘yung sarili mo at patuloy mo lang din gawin ‘yung routine mo and then eventually makikita mo ‘yung hard work mo na nagpe-payoff,” paglalahad ng aktres.
Jameson, ayaw masyadong ilantad ang buhay sa social media
Hindi mapili sa mga proyektong ginagawa si Jameson Blake. Tinatanggap lamang umano ng aktor ang bawat ibinibigay sa kanyang alok ng Star Magic. “I mean ‘di naman ako super choosy when it comes to playing second lead or main. It would always be good to be in the main part pero siguro I would just hope for a good role that would have a big impact. For the audience siguro ‘yon ang habol ko. Wala akong specific na role na iniisip kasi I like to try something new. You never know baka ‘yung bago na ‘yon baka mas makakatulong sa akin,” paliwanag ni Jameson.
Hindi raw masyadong aktibo sa social media ang aktor. Tungkol lamang sa trabaho ang palaging ibinabahagi ni Jameson sa publiko. “I’m not so active when it comes to my social media in terms of expressing my personal life. I always post about work pero thankful na ‘yung mga nandiyan pa rin is still supporting me. Thank you,” pahayag ng binata. — Reports from JCC
- Latest