Rhian Ramos, pinaalalahanan ni Lolit sa glam team ni Heart!

Chika raw ng dating stylist ni Heart Evangelista sa isang editor na “hindi kami ang fired, we fired Heart.”
Napaisip daw ang nasabing editor kung paano nangyari ‘yun samantalang binabayaran sila ni Heart.
At napatanong daw tuloy ang editor “kayo ba ang nagbabayad kay Heart?”
Bongga ang glam team / stylist ngayon, awrang celebrity na rin.
Tama naman ang observation ng iba.
Noon ang mga make-up artist hindi umeeksena, nagmi-make up lang sa mga celebrity.
Ngayon may sarili na silang moment at umi-influencer na rin, sumusunod sa yapak ng kanilang mga kliyente.
Hahaha.
At classic example nga itong stylist / glam team ni Heart.
Komento nga ni Nay Lolit Solis : “Umiral na naman ang pagiging forgetful sa ilang tao. Gaya ng glam team ni Heart Evangelista na kasama niya lagi sa lahat ng lakad niya. Ngayon para pang nagmamalaki na sila ang glam team ni Rhian Ramos. Sure ako na walang alam si Rhian sa nangyari between Heart at ang glam team nito. Pero tiyak na hindi ito magtatagal dahil makakarating din kay Rhian ang mga bagay na nangyari na kinasasangkutan ng glam team niya ngayon.”
Awww.
- Latest