OFW, kailangan ng tulong!
Nalungkot naman ako doon sa isang kuwento ng OFW na repatriated.
Humingi siya ng tulong sa opisina Arnell Ignacio pero hindi siya tinulungan.
Si Niña Taduran pa ang naawa kaya binigyan ng konting financial assistance nang lumapit sa kanya ang OFW.
Medyo na-off ako na hindi man lang tinulungan ni Arnell ang OFW na legit na kaso kumbaga.
Sana kahit papapaano tinulungan niya dahil sa mga ganitong pagkakataon parang at a lost ka na naghahanap ng isang tao na mag-aayos ng problema mo masasandalan mo kahit papaano.
Sana man lang kahit maliit na tulong ay inabutan niya ang OFW dahil malaking bagay na ito para roon sa nangangailangan.
Siguro nalungkot nang husto ang tao nang hindi siya tulungan ni Arnell na inakala niya na sasagip sa problema na nasuotan niya. Puwede rin na baka may ibang narinig si Arnell kaya hindi siya nakapagbigay ng tulong.
Puwede na may iba rin namang side ng story ang inireklamo.
Pero sa mga ganitong pagkakataon kasi kahit papaano dapat nagbibigay ka ng lakas ng loob anuman ‘yung inilapit sa iyo.
Sana naging very good listener man lang si Arnell doon sa may problemang OFW.
Baka sakaling mabigyan niya ito ng kahit anong klase ng tulong kung pakikinggan lamang niya ito.
Napakahirap magkaroon ng problema ‘pag malayo ka sa pamilya mo kaya siguradong hindi biro ang pinagdaraanan ng OFW ngayon.
Baka wala na talaga siyang malapitan.
Sana maayos na para may isa na namang tao na liligaya sa mundong ito.
Sana anumang tulong mabigyan siya dahil iyon ang dapat mangyari.
Ano mang problema bigyan ng solusyon.
Sa panahon ngayon, malaking bagay ang tulong ng isang tao sa nangangailangan.
- Latest