Ivana, mahilig na rin sa K-drama!

Ivana Alawi

Natuto na ring manood ng mga Korean drama si Ivana Alawi.

Naimpluwensiyahan siya ng kanyang nanay na ang hilig daw manood ng mga Korean drama.

At ang pinaka-favorite niya, Crash Landing On You, na pinagbibidahan ng mag-asawa na ngayong sina Hyun Bin and Son Ye-jin.

Kaya naman, isa sa mga favorite niyang puntahan, South Korea.

Samantala, ang dami na namang natigalgal sa kaseksihan ni Ivana sa kanyang latest post.

Though sabi niya, action ang gusto niyang gawin.

 Ibinahagi nga ni Ivana na nagsisimula na ang kanyang preparasyon para sa mga susunod niyang proyekto.  “We’re doing teleseryes this year and meron ding mga movies. So ‘yun, maraming exciting na projects na parating,” kwento niya nang pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN.

 Looking forward naman siya na makatrabaho sina Coco Martin, Joshua Garcia, at KathNiel sa kanyang pananatili sa ABS-CBN.

Pumirma muli ng panibagong network contract sa ABS-CBN ang aktres at na social media star noong Hulyo 19.

 

 

Show comments