Umakyat na pala sa korte ang kasong Cyber Libel na isinampa ni Anthony Taberna laban sa isang vlogger.
Matindi ang mga binitiwang pasabog ng nasabing vlogger na Maharlika ang pangalan sa ilang mga kilalang pulitiko, at mga kilalang personalidad.
Isa nga sa binira niya ay si Ka Tunying, na hindi naman niya binanggit ang buong pangalan, pero obvious kung sino ang tinutukoy. Ang anak nitong si Zoey ang nag-udyok kay Ka Tunying na magsampa ng kaso na idinamay niya sa pang-aatake.
Hindi ko napanood ang blog na ‘yun, pero nag-react ang mag-asawang Ka Tunying at Rossel Taberna dahil sa pandadamay ng anak nilang nagkasakit.
Kaya pursigido si Ka Tunying na magdemanda at isinampa niya ito sa Pampanga Regional Trial Court.
Ibinalita sa amin ni Ka Tunying sa nakaraang anniversary celebration ng Outbox Media at ng Ka Tunying na ginanap sa Metrotent Convention Center nung nakaraang Miyerkules, na umakyat na raw sa korte ang naturang kaso.
“As we speak, naisampa na po sa husgado ng Pampanga Regional Trial Court, ‘yun pong kaso. And I haven’t seen the arrest warant yet. But, I was informed by the police that the arrest warrant was already out for Maharlika,” sabi ni Ka Tunying.
Ang pagkakaalam namin, sa Amerika naka-base itong si Maharlika, kaya ewan ko kung paano masi-serve ang warrant of arrest. Posible kayang papuntahin ito sa Pilipinas para harapin ang kaso? “I think, we just follow the process. Whatever that process will be. Sundin po natin ‘yan... if we really need the assistance of the Department of Foreign Affairs, or the US Embassy for that matter, we will cross the bridge when we get there,” pakli ni Ka Tunying.
‘Yung mga sinabi lang nitong vlogger laban sa anak nila ang inireklamo ng mag-asawa sa korte. “Pagkatapos niyang banggitin ‘yung kay Zoey, that’s it. Tingin ko, tapos na po ‘yun. Hindi ko na po... wala na akong maririnig na mabuti sa kanya. So, bakit ko pa i-stress ‘yung sarili ko sa kanya. E baka nga somehow I will be adversely affected by her broadcast... her being a US citizen.
“Sabi ko nga, hindi ko alam kung ano talaga ang intensyon niya sa bansa natin.
“Kung hindi naman dual citizen, kung siya ay American citizen, what would be her intention of inflicting malice to everything that we as Filipinos are doing.
“Hindi ko alam. Pero ‘yung napanood ko dati, tingin ko malisyoso e. Kaya ayoko nang i-stress ‘yung sarili ko dun. Hindi ko na siya pinapanood. After that, hindi na ako....and I did what I had to do. That is to file a case, and I think the process what everyone should take,” saad ni Ka Tunying.
Focus ngayon ang mag-asawa sa paglulunsad ng bagong digital news program na ipu-produce nila.
Ito ‘yung Tune In Kay Tunying Live sa kanilang YouTube Channel na malakas pala sa Singapore.
Ani Ka Tunying, “Exciting po itong show na ‘to, ‘yung Tune In kay Tunying Live, dahil bukod sa mga news, meron din po kaming feature stories. Gusto pa naming timplahin ‘yung format. Mabigat kasi ‘yung format e.”
Alfred at Coco, pasok sa Men Who Matter ng People Asia
Congratulations kay Alfred Vargas na napiling isa sa awardees ng Men Who Matter ng People Asia.
Napili si Alfred dahil sa maganda niyang track record sa pubic service.
Sa showbiz ay dalawa lang sila ni Coco Martin ang napabilang sa binigyan ng parangal. “First time ko lang. Actually, nagulat nga ako e,” pakli ni Alfred.
“Just to be part of that list, nagulat nga ako. Thank you, and I’m honored,” dagdag niyang pahayag.
Natapos na ni Alfred ang pelikula niyang Pieta na dinirek ni Adolf Alix.
Mahahabol naman daw nila ito sa submission ng finished films sa Metro Manila Film Festival.
Kaya gusto raw nilang i-submit dahil kasama nila si Nora Aunor sa pelikulang ‘yun.
Maganda raw sana kung makapasok dahil hindi lang si Ate Guy, kundi may Jaclyn Jose pa sila at Gina Alajar na maganda raw kung sino makakapasok, dahil may Sharon Cuneta na, at kung susuwertehin baka makapasok din ang pelikula ni Vilma Santos kasama si Christopher de Leon.