Nahirapan si Tony Labrusca sa kanyang karakter ngayon sa Nag-aapoy na Damdamin na napapanood sa TV5 tuwing hapon. Ginagampanan ng aktor ang papel ni Lucas na isang abogado. “This is the hardest character I’ve had to play yet. This is very challenging talaga for me and I think this is going to be part of my growth talaga. Everyday I’m learning something on the set. I’m learning about myself and about my character Lucas din. It’s challenging me in a good way,” bungad ni Tony.
Kasamahang bida ng aktor sa bagong serye sina Jane Oineza, Ria Atayde at JC de Vera. Bagong karanasan para kay Tony na makagawa ng intimate scene bilang mag-asawa sila ni Ria istorya. “There was a lot of firsts for us when we did that scene. It was the first time for me to wear something that looked like a thong to make it seem seamless. It felt like underwear being worn backwards. Then during the scene I told Ria, ‘Hey! Don’t look at my butt.’ And she said, ‘Don’t worry you have a nice butt!’ Whatever, I said, ‘Let’s just get this scene over with.’ You won’t see it pero kaya siguro we just kept laughing kasi we didn’t want to accept that we were at that point. We got close and sakto rin na jive ‘yung personality namin. So that helped din,” natatawang kwento ng aktor.
Kim, ‘di pinagkaitan ang fans
Kabi-kabilang proyekto ang ginagawa ngayon ni Kim Chiu. Bukod sa It’s Showtime ay napapanood din ang aktres sa ASAP Natin ‘To. Sa muling pagpirma ni Kim ng kontrata sa ABS-CBN ay mas marami pa raw dapat abangan ang mga tagahanga sa mga susunod na buwan. “There are exciting projects to come and then something to look forward to. Sabi ko nga, I am grateful for where I am now and I’m excited to unfold another year sa ABS-CBN,” nakangiting pahayag ni Kim.
Labingpitong taon nang aktibo sa show business ang dalaga. Matatandaang nagsimula si Kim bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen edition noong 2006. Malaki ang pasasalamat ng aktres sa lahat ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanya mula noon pa man. “Salamat sa lahat ng mga nagmamahal at sumusuporta sa akin. Galing ako sa isang reality show so parang binuksan ko ‘yung buhay ko sa mga tao and then pinakilala ko kung sino ako. ‘Yung nakilala nila and I think do’n nagsimula hanggang sa hindi ko na nililihim sa mga fans ko, sa mga tao kung ano ‘yung mga nangyayari sa buhay ko. Kasabay ko sila lumaki, and through social media, YouTube and Instagram, updated sila sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko mapatrabaho, personal, love life. Utang ko din naman sa kanila kung nasaan man ako ngayon in my life. Kaya hindi ko rin ipinagkakait kung ano man ‘yung nangyayari sa buhay ko,” paliwanag ng aktres.
Para kay Kim ay malaking bahagi ng kanyang naging tagumpay sa industriya ang mentors sa Kapamilya network mula noon hanggang ngayon. “Ang laki nang naitulong ni Mr. M (Johnny Manahan) at Ms. Mariole (Alberto) sa teenage life ko. Sila ‘yung nagturo sa akin kung paano mag-ipon and pinilit talaga nila ako mag-invest. In terms of financial help, natulungan talaga nila ako na hindi masayang ‘yung pinaghirapan ko. Hindi na rin ako na-guide ng papa ko, sila talaga ‘yung tumayong magulang ko. And when it comes to decision making, sa kanila nanggagaling. And ngayon nagpapasalamat ako na under direk Lauren (Dyogi) na ako. Siya nga ‘yung unang nakakita sa akin and then inaalagaan niya din ako ngayon. So I’m very happy to be a Star Magic artist,” pagtatapos ng dalaga. Reports from JCC