Impersonator ng mga presidente na si Willie Nep, namatay sa edad na 75

Willie Nepomuceno

Pumanaw na kahapon ang satirist, comedian at impersonator na si Willie Nepomuceno.

Sumikat siya dahil sa pagpapanggap o panggagaya sa local celebrities at political figures.

Nagkaroon ng announcement ang kanyang pamilya sa Facebook ng namayapa. “To our family, loved ones, and friends,

“It is with deep sadness and heavy heart to announce the passing of our beloved father, WILLIE NEPOMUCENO on July 26, 2023, at the age of 75. He has peacefully joined our creator. Details of his wake will be announced soon. We ask for your continued prayers. Thank you very much.”

Mas nakilala siya sa pagganap o panggagaya sa mga dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., Fidel Ramos, Joseph Estrada at Benigno “Noynoy” Aquino.

Kabilang din sa mga ginaya niya ang iba pang mga political figure tulad nina Jaime Cardinal Sin at dating mayor ng Maynila na si Alfredo Lim, gayundin ang mga kilalang tao tulad nina Fernando Poe, Jr. at Dolphy.

Show comments