^

PSN Showbiz

Ian di takot malaos, hindi na tumikim ng alak!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ian di takot malaos, hindi na tumikim ng alak!
Ian Veneracion

Kung papipiliin si Ian Veneracion kung alak or coffee, sa kape siya.

“Hindi about alcohol kasi, hindi naman ako umiiwas or anything I just prefer coffee lang,” kuwento ni Ian after the presscon ng kanyang concert for the benefit of Golden Gays.

Gaganapin ang concert sa Winford Manila Ballroom, August 12, 8 p.m., directed by Vergel Sto. Domingo.

So hindi ka talaga uminom, since when?

“Dati... I mean kunwari ngayon kaya kong uminom pero hindi ko nai-enjoy talaga eh.”

Kunwari nag-serve ng hard drink, hindi ka iinom?

“Hindi, mas gusto ko talaga ang kape or something else. Shake, mango shake I mean nag take ako dati ng Culinary na course so merong wine tasting so I appreciated it pero ‘yun nga hindi ko na-enjoy ‘yung tama ng alcohol. It makes me duller. I want to do things that makes me parang hyper, sharper that’s why I do adrenaline sports. It makes everything clear and sharper so wala lang sa ano nada-dull lang ako eh. Ang hirap mag-isip, hirap lumakad, hirap you know,” paliwanag ng actor na kasalukuyan ding napapanood sa The Iron Heart ni Richard Gutierrez.

Kelan ka huling nagkaroon ng alcohol sa katawan?

“Kung kelan ako last na uminom (ng alak), 6-7 years ago or more. I don’t even remember,” paglalahad pa ng aktor na ‘di na takot malaos.

Paliwanag niya naman tungkol dito “Marami naman akong panahon na dinaanan na laos ako eh sa buhay ko. So hindi ako takot malaos. Oo, maraming beses na ako. ‘Pag may project ka, sikat ka. ‘Pag wala kang project, laos ka. So napakaraming beses ko na naging relevant at irrelevant. So actually, not much of the difference naman.”

Dagdag niya pa “Nung nagstart akong hindi magworry about it actually lalong dumating ‘yung projects, lalong dumami ‘yung option. Surprisingly ganon kasi ‘di ba bagets ka, gusto ko sumikat, pansinin n’yo ‘ko, I want attention ‘yung ganon. Tapos may konting... sometimes successful, sometimes hindi. Pero at some point, pero nung tumigil ka caring all of a sudden like the success is there. Saka, I don’t know what it is. I don’t pretend to know pero ‘yun nga parang naging mas naging maluwag. Mas dumami ang option. Mas mara­ming people ang nakatrabaho mo.”

Samantala, ni hindi sumagi sa isip niya na layasan kumbaga ang Pilipinas at tumira sa ibang bansa.

“The more I travel, the more I see how beautiful the Philippines is - especially mountains, land, sea, and air. Grabe imagine mo lagi kong sinasabi sa mga foreigner na hindi pa nakakapunta ng Pilipinas. Imagine mo Christmas eve ‘di ba kahit san ka pumunta papakainin ka ng mga tao. Tapos pagkatapos mo kumain pupunta ka sa beach pwede kang tumalon ka sa dagat. Warm water, san mo magagawa ‘yun? Hindi mo magagawa ‘yun sa States or sa Europe.  Dito sobrang perfect ng weather. The water temperature, air temperature talagang perfect. Kaya lang tayo hindi natin napapansin. Naiinis pa tayo, ‘hay ang init hindi ako makapag trench coat dito’,” sabi pa ni Ian na isa sa 15 people na nagpapa-paramotor / paragliding sa bansa.

“Dito sa Pilipinas, hindi masyado pero sa Europe marami. Sa Switzerland marami. Hindi naman ordinary pero marami sa kanila,” na ang tinutukoy nga ay itong paramotor / paragliding.

“Konting-konti lang especially the one with the motor, paramotor. Parang mga 15 lang siguro kami in total. Ako isa tapos  ‘yung tatlong anak ko pa. So 15 na ‘yun. Isang pamilya pa kami,” natatawa pang sabi ni Ian na kung maalala ay dumating na naka-paramotor sa wedding ni Direk Cathy Garcia.

Sandaling inagaw ni Ian ang limelight sa kasal ni Direk Cathy at cinematographer na si Louie Sampana kung saan habang siya ay nasa ere  sakay ng paraglider ay pinaulanan nito ng petals ang mag-asawa at mga bisitang dumalo sa beach ceremony sa Zambales.

Sa isang clip ng drone video na nasa Instagram ni Ian, ipinakita ng aktor ang pag-landing.

Anyway, isa rin ang actor sa mga celebrity na mas gustong mag-’subtract.’

Aniya, mas gusto niyang magbawas at maging masaya kung ano man ang meron siya ngayon.

“Ilan ba kaya mong tulugan? Kahit sa kotse gusto mo sampung kotse. Ilan ba kaya mong i-drive? Isa lang naman eh.”

Pero ilan ba ang mga kotse mo?

“Marami,” sabay taw nito. “Kaya nga nagbabawas. Hindi kasi buong pamilya ko. Lahat kami nagda-drive kanya-kanya. Matic ‘yun mga bata kanya-kanya sa kotse. Ako, wife ko may kanya-kanya talaga. Pero ‘yun nga kung ikaw lang mag-isa as a person. Surprising, ako ang tagal ko na-realize na parang hindi mahal mabuhay pala eh, ‘yung ganon. Oo, the house I live in now is a normal house, modest. It is not an artista house pero, I’m so happy with it. I can live there for the rest of my life.”

‘Yung dati pa rin ba ‘yun kinalakihan mo?

“Sa Filinvest, oo.”

Pero ang isang hindi sumagi sa isip niya ay maging pulitiko. “Every election naman ‘yan. Hoy baka gusto mong ganito ganyan.”

Though ang isa sa pwede niyang tanggapin ay maging TV host. “Gusto ko magka-late night show. ‘Yun bagay. Oo saka ang dami kong kaibigan. ‘Di ba dakdak ako nang dak­dak eh pero ‘yun that would be fun. Saka nung bata ako fan na fan ako ng Martin After Dark at Not So Late Night with Edu. The best! Ninong ko si ninong Edu eh.”

Pwede ka sa digital?

“Oo naman. Kaya lang ginagawa ng lahat ‘yun eh. Ang daldal ko eh. Actually, nakakatuwang conversation with my kids pero I wish I was that intelligent when I was that age. Saka ‘yung panganay ko si Draco grabe magbasa what an intelligent guy. Sabi ko nga, alam mo kung nakilala kita nung ganyang age ako matatameme lang ako sa’yo. Oo, parang I can’t wait to see sabi ko ano kayang alam nito ‘pag 40 na siya. Ang galing eh. Iba ngayon eh because nga they have access to information and books,” pagkukuwento pa sa amin ng actor na thankful sa mga tita na talagang tuwing may concert siya  laging andun at nasa VIP section pa.

Mga 80’s song ang kakantahin niya sa LIVE Ian Veneracion.

ACTOR

IAN VENERACION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with