Mahusay na ngayong mag-English ang former star and politician na si Angelica Jones.
Hindi katulad noon na ang sablay niyang English ang pinag-uusapan.
Pero nag-invest daw siya para hindi na siya pinagtatawanan nung manalo siyang Board Member ng Laguna.
“Ang ginawa ko kasi nung pagkapanalo kong Board Member, aral ako nang aral. Nag-aral ako sa UP Diliman. Nag-aral ako sa Asian Institute of Management. Nag-aral ako sa UMak, sa PCU, sa Australia, Melbourne. So wala akong ginawa kundi mag-aral nang mag-aral. ‘Yung knowledge investment mo sa sarili na habang Board member ka wala akong sinayang na oras kundi aral nang aral. Na-aral ako ng public speaking,” paliwanag ni Angelica nang tanungin tungkol dito sa media conference para sa gagawin niyang pelikulang Magic Hurts na pinagbibidahan nina Beaver Magtalas and Mutya Orquia.
Matagal din siyang naging Board Member.
“Fourteen years, pabalik-balik. So nag-start ako 25 years old Board Member. Ilan taon na ‘ko ngayon 40 years old,” banggit niya pa.
Hanggang sa namaster mo na niya ‘yung English?
“Oo kaya ano naman eh kumbaga as a Board Member kumbaga samin, distrito namin sa Laguna naka-focus ako doon sa trabaho ko eh. Sa paggawa ng batas, sa paggawa ng ordinansa so hindi ko pwedeng itatak sa kanila ‘yung role ko sa movie kumbaga hinihiwalay ko ‘yung character ko doon sa trabaho ko,” dagdag niya.
Ngayon ay showbiz ang tinututukan niya.
Hindi siya nanalo nung nakaraang election.
Gagampanan niya sa Magic Hurts ang ina ng young actor na si Beaver Magtalas.
Pero naging emosyonal siya nang mapag-usapan ang non-showbiz father ng 10-year-old son na si Angelo na ang ama ay doctor / politician.
“Hindi kami ok, and may pinagdadaanan kami ngayon dahil after 10 years, hindi pa rin niya hinaharap ang anak ko. Moral support, financial support.
“As a single mom, lahat, titiisin ko para sa anak ko. Gagawin ko lahat para sa anak ko. I work hard, and I’m strong for my son.
“Pero mas nakakadurog pala sa isang nanay kapag nakikita mo ‘yung anak mo na. . .
“After 10 years, excited ‘yung anak ko na makita ‘yung tatay niya, mapirmahan ‘yung birth certificate, mapirmahan ‘yung documents para lang makapag-abroad, tapos hindi mo haharapin ang anak mo? ‘Di ba, masakit?” pagbabahagi ni Angelica.