Bakit kaya iniintriga ang mag-asawang Anton Lagdameo, Special Assistant to the President, and Dawn Zulueta?
Diumano’y umalis ng bansa ang former politician upang sundan sa America ang misis.
Hindi ito ang unang beses na pinagtsi-tsismisan ang mag-asawa na diumano’y may problema sa pagsasama though wala sa hitsura ni Dawn na may isyu sila.
May post pa nga ang inactive actress noong Father’s Day na “Everything I love about you, you’re teaching our children to be. Happy Father’s Day, Darling @aflagdameo #happyfathersday.”
May mga nang-iintriga na noon sa kanila dahil sa kumalat na isang photo sa loob ng eroplano na diumano’y may kasama ang dating kongresista and now presidential appointee.
May nagkakalat din dati na nakita ito sa Hongkong na nagsa-shopping.
Well, ganun naman sa pulitika. Mas maraming kontrobesya kesa sa showbiz.
I’m sure sanay na si Dawn sa ganyang intrigahan.