Jessica ayaw paawat, kinabog ang primetime shows

Ayaw paawat ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Ayon sa data ng Nielsen TV Audience Measurement nakapagtala ito ng combined (GMA and GTV) people rating na 15.1 percent in National Urban TV audience measurement (NUTAM) for the month of June.
Nanguna rin ito sa mga programa sa TV na ipinalabas sa Kapuso Network, ang GMA, sa parehong panahon, na may people rating na 12.7 percent.
Ang pangingibabaw ng KMJS ay lumagpas na sa TV.
Kamakailan lamang, ang official Facebook nito ay umabot na ang subscribers sa 30 million, na pinatibay ang posisyon nito bilang pinaka-maraming followers na TV program sa bansa sa nasabing platform.
Aside from Facebook, meron din silang 6.2 million followers sa TikTok, over 2 million sa Instagram and over a million sa Twitter.
Habang ang mga video na na-upload sa mga online platform nito ay patuloy na nakakuha ng interes ng netizens. Mula Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2023, nag-log ang KMJS ng mahigit 2.8 bilyong views sa lahat ng platform. Umabot ito ng mahigit 1.7 bilyong panonood sa Facebook, mahigit 760 milyong panonood sa TikTok, at mahigit 428 milyong panonood sa YouTube.
Bongga si Ms. Jessica.
Mas mataas pa ang rating at number of followers ng programa niya kesa sa primetime shows.
Napapanood sa GMA 7 ang KMJS every Sunday night.
- Latest