Pag-iibigan at pagkasawi ng Campers, nag-trending

Campers
STAR/ File

Nanguna sa trending list ang finale ng kauna-unahang queer dating reality show ng bansa na Sparks Camp noong nakaraang linggo.

Kinasabikan ng netizens mula sa Pilipinas, USA, India, Canada, at Indonesia ang harap-harapang pagbibigay ng campers ng kani-kanilang sparks pati na rin ang last day nila sa camp.

Sa nasabing harapan, napanood ng viewers ang ilang campers na na-heartbroken matapos hindi sila piliin ng nasabing sparks habang may iilan naman naging happy ending ang kanilang journey sa camp. Sa sampung campers, dalawang pares lang ang nagkaroon ng mutual spark at ito ay sina Karl at Nick at Alex at Justin.

Na-reveal naman sa huling episode na na­ging tulay ang Sparks Camp sa naudlot na sparks nina Alex at Justin.

Samantala, hindi naman inaasahan ng manonood ang mutual spark sa pagitan nina Karl at Nick na parehas ay nagkaroon din ng iba’t ibang date at natipuhang camper sa simula ng serye tulad nina Nat at Dan.

Hindi naman natatapos sa finale ang kaganapan ng campers dahil may bonus episodes pang hinanda ang Blacksheep sa fans ng show. Samahan nga ang campers sa paglalaro nila ng iba’t ibang games tulad ng beerpong sa darating na Hulyo 22 at 26.

Samantala, alamin naman kung lumalim na ba ang sparks sa pagitan nina Karl at Nick at Alex at Justin at kung may mabubunyag pa bang sikreto sa inaabangang reunion ng cam­pers coming soon.

Bumuhos din ang magagandang papuri sa show sa pagbibigay nito ng space para sa mga LGBTQIA+ at nagre-request na rin para sa ikalawang season nito.

Show comments