Dahil tag-ulan kaya medyo walang energy ang ibang tao. Kundi pa nga sa ating lunch baka hindi pa rin ako nakawala sa katamaran ko.
Kaya dapat ma-excite na naman ako ng mga fat ladies para mabalik ang full energy ko. Kasi wala yata akong mental exercise dahil tahimik ang paligid ko, need ko talaga may kumikiliti ng utak ko para ma-excite ako.
‘Pag tahimik ang paligid ko walang challenge kaya nabo-bore ako. Gusto ko na nga mag-consult sa mangkukulam na pinuntahan ng mga fat ladies para ma-excite ako.
Sabi ni Leo Espinosa marami raw kami ipapakulam kaya sure ako kikita ang mga friends na mangkukulam ng mga fat ladies, hah hah.
Kidding aside, nakakatamad naman talagang lumabas ngayon dahil laging umuulan sa hapon tapos babaha.
Kaya hindi mo alam kung aabutin ka ng malakas na ulan sa labas.
Eh pag umulan pa naman, grabe na rin ang traffic. Talagang magdurusa ka sa traffic na forever nang andyan at ‘wag na tayong umasang mawawala pa. Kaya adjusted na ako at kung traffic cell phone lang ako o kaya ay natutulog.
Ganun talaga. Tanggapin na natin ‘yun.
Bahagi na ‘yun ng buhay natin.
Tingnan n’yo ako tanggap ko na almost a year na pala akong nagda-dialysis.
Pinaalala sa akin ni Salve na kahapon yung araw nung isang taon na dinala ako sa sa FEU Hospital dahil halos hindi ako makahinga.
Ang bilis. At doon na agad sinabi ng mga doctor na may kidney problem ako kaya super emote ako.
Pero ito isang taon na pala.
Hay, dapat talaga maging grateful na lang at ‘wag maging maramot sa kapwa. Hindi na rin uso ang mga masasama ang ugali at ang mga nega. Tigilan na nila ang ganya.
Hahahaha. ‘Yun lang at babu na!