^

PSN Showbiz

Elisse, nag-mature sa paraiso…

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Elisse, nag-mature sa paraiso…
Elisse
STAR / File

Mahigit dalawang taong gulang na ngayon ang anak nina Elisse Joson at McCoy de Leon na si Felize. May bulung-bulungan na nagdadalang-tao na raw muli ang aktres ngayon. “Nakakaloka, magtatrabaho muna tayo,” paglilinaw ni Elisse.

Kabilang ang aktres sa mga bida ng Pira-Pirasong Paraiso na mapapanood sa TV5 simula ngayong July 25. Malaki ang pasasalamat ni Elisse dahil kabi-kabila ang kanyang proyekto ngayon. “We always say we’re thankful for the work given to us. So, bonus pa do’n ‘yung pagbabalik ng panghapon na kabilang kami do’n. Another bonus is first time na magkaroon ng collaboration between TV5 and ABS-CBN. So perso­nally, I’m just very, very grateful for the opportunity and I’m hoping na this is the start of many more collaborations with other networks,” pahayag ng aktres.

Kasama ni Elisse sa bagong panghapong serye ng Kapatid network sina Alexa Ilacad, Loisa Andalio at Charlie Dizon.

Hindi raw nakaramdam na mayroong kompetisyon sa pagitan nilang mga bida ng serye. “’Yung past experiences namin natutuwa lang din ako balikan. Kaming tatlo ni Loisa at Alexa, we’ve worked together. Si Charlie ngayon ko lang nakatabaho but before kung naaalala n’yo ‘yung the Good Son under Dreamscape, magkakasama kami do’n pero mga bagets pa kami no’n. So I’m just really happy na this time, it’s the story of the sisters naman, sa mga babae naman iikot ang kwento. I’m excited to work with them again. Ngayon mas level up, mas mature. And si Charlie hindi mo naman kailangang makibagay diyan kasi kahit ano ka pa, babagayan at babagayan ni Charlie. I’m happy, the set and the combination of us masaya lang talaga. That makes our work easier and better,” pagbabahagi niya.

Sunshine, hindi pa naiisip na pakasal ulit

Kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Sunshine Cruz at Macky Mathay noong isang taon.

Halos anim na taon ang inabot ng relasyon ng dating magkasintahan. Taong 2016 nang maging opisyal na magkarelasyon sina Sunshine at Macky. Ngayon lamang nagsalita ang aktres tungkol sa naging dahilan ng kanilang hiwalayan ni Macky. “I was too focused on my children and work. I gave him a chance and no regrets naman. He was a good guy. Nakita ko lang na hindi nagle-level up ‘yung relationship. Hindi nagmu-move. Don’t get me wrong, he’s a good guy. I love his children pero siyempre at this point in my life, I’m 45 (years old). Naghahanap na tayo ng relationship na kahit paano ay lume-level up. Hindi ‘yung diretso lang. Kasi magsi-six years na kami, parang ganyan lang kami. Five days bago mag-sixth anniversary kami, nakipaghiwalay ako naka-lock-in taping pa ‘yon, through message. I said na, ‘I don’t think may patutunguhan pa itong relationship,’” makahulugang pahayag ni Sunshine.

Hindi na raw naghahangad ang dating asawa ni Cesar Montano na muling maikasal. Ang tanging nais lamang ni Sunshine ay magkaroon ng makakasama sa kanyang pagtanda. “Sa totoo lang ayaw ko na eh. Ayoko naman na. I’m okay na with a life partner. ‘Yung pagpapakasal sa ngayon hindi ko naiisip. Maybe when I turn 60 or 70 parang si Tita Boots Anson-Roa, who knows ‘di ba? Pero hindi talaga natin pwede ipilit eh. If it’s really not for you, it’s not for you,” giit ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

MCCOY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with