Herlene Budol at Love the Philippines, palalakasin ang tourism industry?!
Pauline Amelinckx, nadaya raw sa Miss Supranational
Love the Philippines plus Herlene Budol equals...
Hindi pa tapos ang issue sa Love the Philippines tapos si Herlene pa ang magre-represent sa Miss Tourism World Philippines, paano na raw ang tourism industry ng bansa.
Hahaha.
Oo nga naman at maganda si Herlene pero hindi lang ganda ang kailangan dapat magaling ka ring magsalita bilang tourism representative kung tutuusin.
May interpreter nga si Herlene sa ginanap na finals ng Miss Grand Philippines na ginanap two nights ago sa MOA Arena na wala raw katao-tao at pinaulit niya pa ang tanong.
Anyway, nag-post pa ang Magandang Dilag star na “Dahil ilalaban ako sa upcoming INTERNATIONAL STAGE sa LONDON ng NOBYEMBRE 2023 sa 32nd Annual search ng Miss Tourism World 2023. Eto ay panibagong yugto at hamon para sa akin dahil wala pang na koronahan ang PHILIPPINES sa loob ng dalawang dekada. Kaya mag sisikap ako ma e uwi ang pangalawang MISS TOURISM WORLD CROWN para sa PILIPINAS!”
Kinoronahang Miss Grand Philippines si Nikki De Moura ng Cagayan de Oro City sa Miss Grand Philippines.
Samantala, trending naman hanggang kahapon si Miss Philippines Pauline Amelinckx na first runner-up Miss Supranational 2023.
Pakiramdam ng beauty pageant afficionados, nadaya si Pauline. Mas deserving daw itong maging Miss Supranational.
Lahat kasi ay napabilib niya sa sagot sa question and answer portion “What makes a good brand ambassador for this organization?”
: “It would be dedication -- dedication to this journey, dedication to the people who’ve brought her up to this journey, and dedication of course with the organization that she’ll end up working with. This is such a beautiful experience, and she has to be someone who can bring people together, someone who knows that this is not a one-woman journey. We all have our differences, but we also realize that we have so much in common. And we are now gathered here on this stage, transcending our own borders, bringing nations together.”
Si Miss Ecuador Andrea Aguilera ang nanalong Miss Supranational.
Naiuwi rin si Pauline ang Supra Chat challenge.
Ito na pala ang highest placement pagkatapos manalo ni Mutya Datul noong 2013 sa Miss Supranational.
- Latest