Bea, handa nang malaos!

Bea Alonzo

May statement si Bea Alonzo na hindi raw siya natatakot kung sakali mang malaos na siya. Una mukhang handa na naman siyang lumagay sa tahimik dahil hinihintay na lang niya ang alok na kasal na kasal ng boyfriend niyang si Dominic Roque. Isa pa mukhang napaghandaan na rin naman niya ang lahat.

May isa siyang malaking farm sa Zambales, na kumikita na rin naman daw, at sapat na iyon para matustusan ang kabuhayan ng kanyang pamilya.

May bahay na siya sa Spain, at siguro kung gusto niya nang matahimik at pribadong buhay matapos niyang mag-retire sa kanyang acreer ay maaari siyang manirahan doon kasama si Dominic.

At iyon ang naiisip ng marami. Nang bilhin niya ang bahay niya sa Spain, malamang daw sa hindi na iniisip na ni Bea ang retirement. Tutal hindi naman maikakaila na bumaba na rin ang kanyang popularidad simula nang mawala ang ABS-CBN na siyang nagpasikat sa kanya.

Maraming sinasabing proyekto niyang pelikula pero ilan nga ba ang natutuloy. Iyong serye naman na pinagtambalan nilang dalawa ni Alden Richards hindi rin naging patok at iyon nga siguro ang tunay na dahilan kung bakit hindi na natuloy sa pagtatambal nilang dalawa sa pelikula. Isa pa nakikipag-collab na ang GMA sa ABS-CBN kaya hindi na rin nila kailangang mag-maintain ng maraming artista, after all mas ok sa kanila iyong binibili na lang nila ang finished product, o kaya ay hinahayaan na lang nilang mag-blocktime sa kanilang network.

David, sinisira ang career sa pagkanta

Kanino kayang ideya na hayaan si David Licauco na kantahan ang beauty queens sa isang pageant. Natural trabaho rin iyon at may bayad siya roon. Pero hindi ba nila inisip na masisira si David dahil hindi naman siya magaling kumanta.

Ngayon ginawa pa siyang katatawanan at sinasabihan pa na ang ang lakas ng loob kumanta eh hindi naman kaya.

Model siya at nanalo nga iyang Mr. Chinatown eh pero hindi siya singer. Ang pinakakanta sa mga ganoon ay iyong singer talaga. Eh dito sa atin wala sa ayos eh, iyong singers pilit na ginagawang artista kahit na hindi naman marunong umarte. Iyon namang mga artista pinakakanta kahit na sali-saliwa ang boses na oo nga at kumikita sila pero nakakasira iyon sa career nila, in the end, mas malaki ang nawawala sa kanila.

Ex-bold star na si Sabrina M, pinanindigan ang ginawa kay Rico

Sa kabila ng statement ng former sexy star na si Katrina Paula na hindi siya naniniwalang naging mag-syota nang dalawang taon ang ex bold star na si Sabrina M, at ang matinee idol noon na si Rico Yan, iginiit pa rin ni Sabrina na totoong naging syota niya ang namatay na matinee idol at tumagal ang kanilang relasyon ng dalawang taon. Sinabi niyang noong ilibing si Rico ay naroroon din siya, nakiramay at nakadamit pa ng itim. Inabutan pa diumano siya ng bulaklak ni Bobby Yan na kapatid ni Rico para ihagis sa paglilibingan sa aktor.

Ang sabi ni Katrina, magkaibigan daw silang matalik ni Sabrina noon at nagtataka siya kung bakit wala ganung kuwento noon tungkol sa dalawang taon nilang relasyon ng matinee idol.

Marami ang may suspetsa na nag-iingay ngayon si Sabina dahil may ginawa yata siyang pelikula at gusto niyang magbalik sa show business, at kung iyon nga ang dahilan nagtagumpay siya dahil napag-usapan siya.

Bukod sa kanyang sinabi wala nang makapagpatunay ng naging relasyon niya kay Rico dahil maski ang kapatid noong babae ay naniniwalang ang matinee idol at si Claudine Barretto nga ang may relasyon, at nag-split lang bago namatay ang aktor.

Kahit pa anong gawin niyang kuwento ‘di na mapapatunayan na nagsasabi siya ng totoo.

Ano yun huhukayin nila sa lupa ang aktor.

Naku dapat ang mga ganitong kuwento ay ‘di na pinalalaki.

Ba’t kailangang pag-usapan ang isang bagay na isinasali ang namayapa na.

Show comments