Jane at Loisa, hindi pa handa sa kasal!

Jane Oineza

Super daring ang role ni Jane Oineza sa Nag-aapoy na Damdamin.

Na in fairness ay talaga raw pinaghahandaan niya.

At lahat aniya ay gagawin niya.

Thankful din siya na after 22 years, bida na siya sa first ever collab ng ABS-CBN and TV5.

“ Sobrang saya, sobrang kilig, sobrang nakakatuwa dahil alam kong pinaghirapan ko ‘to, alam ko na inantay ko rin naman ‘to. So, grabe lang ‘yung pasasalamat ko sa buong produksyon na binigyan ako ng chance na ipakita ‘yung motivation ko all these years,” banggit niya kahapon.

Kaya naman hindi niya naiisip na mag-asawa at pakasal sila ni RK Bagatsing.

“Sa ngayon, mina-maximize namin ‘yung career ng isa’t isa dahil galing din sa pandemic na ang dami nating uncertainties, ‘di natin alam kung kailan ang next project, next na mga ganap or whatever, so ngayon na andito siya ngayon, focus muna kami at support namin ang isa’t isa,” chika ni Jane pagkatapos ng presscon kahapon.

Pero para sa kanya, sila na nga ng aktor.

“Oo naman, we’ll get there, no pressure, kasi alam naman namin na papunta tayo doon,” sabi pa ng actress.

Ganto rin ang katwiran ni Loisa Andalio na paraiso ang pakiramdam sa piling ng karelasyong si Ronnie Alonte.

“Masasabi ko po na yes, nasa paraiso po ako ngayon,” sabi ni Loisa kahapon sa mediacon ng Pira-pirasong Pangarap kung saan ay isa siya sa mga bida.

Sigurado na rin daw siya kay Ronnie : “Siya na, siyempre. Papatagalin pa ba natin ang relasyon kung hindi mo naman nakikita ‘yung tao na siya ‘yung magtatagal para sa ‘yo.”

Aminado rin si Ronnie na si Loisa na ang kanyang paraiso dahil ito na ang nakaramay niya sa umpisa pa lang ng career niya.

Pero si KD Estrada ay ang pamilya at si Alexa Ilacad ang tinuturing na ‘paraiso.’  “Me and Alexa have such a great bond. Meron po kaming parang connection na alam namin kung ano ang nararamdaman ng isa’t isa kahit hindi kami nagsasalita,” banggit ni KD.

Kasama rin sina KD at Alex sa Pira-Pirasong Paraiso.

Show comments