Willie, nawalan ng pag-asa sa hapon ng TV5?! Pira-pirasong Paraiso at Nag-Aapoy na Damdamin, mag-uumpisa na!
Ginanap kahapon ang back-to-back media conference ng dalawang bigating teleserye na kumbaga ay unang pasabog ng ABS-CBN Entertainment at TV5 sa hapon – ang Pira-Pirasong Paraiso at Nag-Aapoy na Damdamin na magsisimula nang umere this July 25, Tuesday.
Tampok sa co-production venture ng ABS-CBN at TV5 ang mga sariwang kuwento na may kinalaman sa sikreto ng pamilya, paghihiganti, at pagmamahal na tiyak na bibihag sa puso ng mga manonood.
Susubukin ng masalimuot na nakaraan ang totoong pagkatao ng mga karakter nina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad and Elisse Joson sa drama seryeng Pira-Pirasong Paraiso.
Iikot ang kwento nito sa magkapatid na pinaghiwalay at inabandona ng kanilang sariling pamilya noong sila ay bata pa lamang. Magiging tanging misyon ng panganay na si Diana (Charlie) na hanapin ang dalawa pa niyang kapatid na sina Amy at Beth para magkasama sila muli.
Ngunit mananaig ang sakim at paghihiganti sa kanilang mga puso at malilihis sila sa katotohanan tungkol sa tunay nilang pagkatao.
Ang Pira-Pirasong Paraiso ay mula sa direksyon nina Raymund Ocampo at Roderick Lindaya sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment. Pagbibidahan din ito nina KD Estada, Ronnie Alonte, at Joseph Marco, kasama sina Sunshine Dizon, Markus Pateron, Epy Quizon, Art Acuna at may special participation si Snooky Serna.
Giyera naman sa pagitan ng dalawang power couple ang bubungad sa Nag-aapoy na Damdamin tampok sina JC de Vera, Ria Atayde, Tony Labrusca at Jane Oineza.
Iikot ang kuwento nito sa matinding tunggalian nina JC at Tony, mga kasinungalingan na magdadamay sa mga babae sa kanilang buhay na sina Jane and Ria at paghihiganti na isinumpa sa pagkamatay ng mga magulang.
Kasama rin dito sina Joko Diaz, Kim Rodriguez, Maila Gumila, Carla Martinez, Aya Fernandez and Nico Antonio mula sa direksyon nina FM Reyes and Benedict Mique.
Mapapanood ang Pira-Pirasong Paraiso (3:00) at Nag-aapoy na Damdamin (3:50), Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A@Z at TV5 umpisa sa Hulyo 25.
Mapapanood din ang Pira-Pirasong Paraiso tuwing Sabado, 2:50 p.m.
Anyway, naunang sumalang sa mediacon ang cast ng Pira-Pirasong Paraiso.
Dahil dito malabo na nga ba ang diumano’y pinaplano ng former TV host na si Willie Revillame na mapunta sa kanya ang tinanggihang time slot ng It’s Showtime na 4:30 p.m?
Ayon sa usap-usapan, nine-negotiate ng kampo ng former TV host na mapunta sa kanya ang nasabing oras at nangakong palalakasin niya diumano ang afternoon slot ng TV5 na in all fairness naman ay matagal nang aktibo pero mas naging maingay nga pagpasok ng TVJ sa E.A.T.
Pero mahahagip na nga ito ng Nag-aapoy Na Damdamin.
Lately ay nagpi-press release nga ang dating TV host na babalik siya sa free TV.
- Latest