^

PSN Showbiz

Tape kakasuhan din ang TVJ, Vic at Joey ayaw magsalita

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Tape kakasuhan din ang TVJ, Vic at Joey ayaw magsalita
Tito, Vic at Joey

Si dating Sen. Tito Sotto lang ang sumasagot sa mga isyung patuloy pa ring hinarap ng Eat Bulaga at TVJ. Kapag kinukulit namin si Joey de Leon,  wala siyang sagot.

Hinihingan din namin ng pahayag si Vic Sotto through Pauleen Luna, pero “no comment” lang lagi.

Kilala namin si Bossing Vic na tahimik lang at mas pinili niyang huwag na lang magsalita.

Bago pa pumutok itong demandahan, napapag-usapan na ang anniversary celebration ng Eat Bulaga na papasok na sa ika-44th na taon.

Sinabi ng mga taga-Eat Bulaga ng TAPE, Inc. na isi-celebrate nila ito sa July 29, taliwas sa kumakalat na tsismis na hanggang sa ganung araw na lang daw ito.

Wala pa silang sinasabi kung paano nila ito i-celebrate na wala na ang original hosts na sina Tito, Vic and Joey.

“The nerve!” sabi nga ni Tito Sen, na wala naman daw doon ang mga naging bahagi ng naturang noontime show. Kaya wala raw silang karapatan na i-celebrate. Silang mga original hosts daw ang may karapatan na ipagdiwang ang 44th anniversary nitong longest running noontime show.

Hiningan namin ng reaksyon dito ang mga taga-Eat Bulaga, na karamihan sa mga staff ay matagal na ring naging bahagi ng naturang programa.

Nilinaw naman ni Paolo Contis na hindi nila inaako ang 44 years na pamamayagpag ng Eat Bulaga.

Kailangan lang daw nilang ipagdiwang ang anibersaryo ng show.

Aniya, “We are celebrating the show. Not the hosts. Eat Bulaga is about the people, the viewers. ‘Yung celebration ng EB ay para sa tao.

“Parang ang Bubble Gang, mag-28 years na. Pero ako nasa 15 years pa lang more or less. Does it mean I can’t be part of the celebration ng anniversaries too?

“Kaming mga artista, hosts, we come and go. But the show stays.

“Trabaho lang po namin i-celebrate ‘yung show,” katwiran nito.

Samantala, hindi na rin nag-comment ang ilang taga-Eat Bulaga kaugnay sa kasong isinampa ng TVJ at ni Jeny Ferre laban sa TAPE, Inc. at ng GMA 7.

Ang legal counsel nilang si Atty. Maggie Abaraham-Garduque ang hiningan namin ng statement kaugnay dito.

Nakasaad sa statement na ipinadala niya sa aming Messenger;

“I do not have a copy of the complaint yet but if the news is correct that the case filed is for alleged infringement and unfair competition on the name Eat Bulaga, then it’s not a copyright infringement.

“Eat Bulaga name, the design of the name and the logo is a ‘trademark’ and not subject of copyright.

“TAPE, Inc. has the registration of the tradename Eat Bulaga so they cannot file infringement against the registered owner of the trademark.

“Their petition for cancellation of trademark of Eat Bulaga is still pending before the IPO and until such time that said petition is granted, the trademark Eat Bulaga and EB will be owned by TAPE, Inc.

“At any rate we will comply with the summons to file answer within 30 days from the receipt of the complaint.”

Hindi na rin nagbigay ng komento si Tito Sen dahil nasa korte na raw ito.

Abangan naman natin ang kasong isasampa ng TAPE, Inc. laban sa dating taga-Eat Bulaga.

Ang dinig namin, dalawang dating taga-EB ang kakasuhan nila.

Wala lang kaming ideya kung sino ang mga ito, at ano ang isasampang kaso.

Nung nakaraang Miyerkules pala ay halos dumikit na ang rating ng Eat Bulaga sa E.A.T. ng TVJ sa TV5.

Naka-3.70 percent ang E.A.T., at ang Eat Bulaga naman sa GMA 7 ay 3.36 percent, at ang It’s Showtime ay 2.75 percent.

Isinama rin ang rating na kuha sa Visayas at Mindanao.

Paolo, lumayas muna sa Pilipinas

Samantala, umalis na pala si Paolo Contis patungong Australia para sa shooting ng pelikula nila nina Patrick Garcia at Kaye Abad under Mavx Production.

Sa pagkakaalam ko 11 days sila sa Tasmania kung saan kukunan ang mga mahahalagang tagpo ng pelikula.

Nag-tape lang si Paolo ng isang episode at ilang segments ng Eat Bulaga, para kahit paano ay napapanood pa siya.

Pero matagal-tagal din siyang mawawala, kaya ewan ko kung kaya nilang mag-remote sa Tasmania na magbibigay ng update doon si Paolo.

Ang dinig namin, mag-iikot din si Isko Moreno sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao para mag-G sa Gedli siya roon.

Bukod kina Patrick ay Kaye, kasama rin pala nila si Jimmy Santos na gaganap bilang ama ni Kaye.

vuukle comment

JOEY DE LEON

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with