Sen. JV sumigaw ng blasphemy...Drag Queen na si Pura Luka Vega, binastos ang Ama Namin?!

Pura Luka Vega

“This is blasphemy,” tweet ni Sen. JV Ejercito.

Reaction niya ito isang dance number ng Drag Queen na si Pura Luka Vega (@ama_survivah)

Makikita sa video ang drag queen na naka-Jesus Christ outfit with matching korona na kuma­kanta ng Ama Namin kung saan pinaiikutan siya ng mga andung audience yata sa isang show habang nakikisabay ang iba sa kanta at nagvi-video.

“This disrespects my faith.

“This went overboard,” dagdag ni Sen. Ejercito.

Caption ng Drag Queen sa nasabing post: “Thank you for coming to church!”

Nakakangilong panoorin sa totoo lang dahil talagang parang ‘di nila nires­peto ang isang sagradong kanta / dasal.

Nakita ko sa Twitter account ng nasabing drag queen na mga santo ang kanyang ginagaya o ini-imitate.

Hindi lang si Sen. JV ang nabastusan sa ginawang ‘yun ng drag queen.

Isang art pa bang matatawag ang ganun?

 

Show comments