Faith, pinagmalaking nakatapos ng grade 11!

Ang bongga pala ni Faith Da Silva. Nagtapos siya ng Grade 11 at with honors pa.
Proud siyang ibinahagi sa kanyang Instagram ang mga litrato niya sa kanyang recognition ceremony.
Ipinakita rin niya sa kanyang post ang kanyang medal at Certificate of Merit. Caption niya, “I’m sorry I didn’t text you back. I was too busy making Biology my biii because emc2 is my favorite album.”
Iyan ang kahanga-hanga sa mga artista na napagsasabay ang kanilang pag-aaral at trabaho dahil hindi talaga ito madali lalo na sa time management.
Kaya marami ang pumusong netizens sa post niya at inulan siya ng pagbati mula sa mga kaibigan at mga tagahanga. Halata rin ang pagka-proud ng kanyang mommy sa video na kanyang pinost. Bongga.
Mga nagkakaedad, mababaw na ang luha
Alam n’yo ba na mababaw ang luha ko? Usually I cry sa sad movies o TV series, sad stories na nababasa ko, mga sad na kuwento o sad songs.
Kaya nga natatawa ako ‘pag merong akala ang tapang-tapang ko dahil malakas ang boses ko at usually confrontational ako.
Pero isang bagay na talagang hindi ko inuurungan ay ang anumang away o issues na ibinibintang sa akin. Basta alam ko na nasa tamang side ako, ilalaban ko iyon.
Isang bagay pa na hindi ko ma-take ay ‘yung ‘pag may sobra nang pitik sa mga alaga ko. Talagang ilalaban ko iyon lalo na ‘pag alam ko ang totoo. Kaya nga siguro iyon ang naging image ko, palaaway at confrontational. Ok lang, at least meron akong image na nadadala ang grupo ko sa abroad, na alaga ko basta staff ko at close friends, okey na iyon.
Forever ko nang ipagmamalaki na ako ang nakapagdala ng maraming grupo abroad. Wala nang puwedeng umagaw noon. I don’t know pero lately talaga nagse-senti ako, talagang flashback ang utak ko dahil siguro sa mga nawawalang kaibigan.
I feel so down lately kaya nga talagang medyo sinisisi ko na ang old age.
Naku, punta na nga kami sa Holy Land para medyo ma-feel namin ang inner peace sa katawan. I-project ko iyan, promise. Bongga.
- Latest