^

PSN Showbiz

TAPE bumwelta: Huh? Wala kaming copyright violation dahil sa 'Eat Bulaga!'

James Relativo - Philstar.com
TAPE bumwelta: Huh? Wala kaming copyright violation dahil sa 'Eat Bulaga!'
New 'Eat Bulaga' hosts on GMA-7
Sparkle GMA Artist Center

MANILA, Philippines — Sumagot na ang production company na TAPE, Inc. at GMA-7 pagdating sa inihaing copyright infringement at unfair competition complaint sa kanila ng mga orihinal na hosts ng noontime show na "Eat Bulaga!"

Ika-30 ng Hunyo nang ihain ng TV host-comedians na sina dating Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang ireklamong "copyright infringement" laban sa mga nabanggit dahil sa pag-ere ng episodes at paggamit ng pamagat na "Eat Bulaga!" sa kasalukuyang programa nang walang pahintulot ng tatlo.

"It is not a copyright infringement. Eat Bulaga name, the design of the name and the logo is a trademark and not subject of copyright," ani Maggie Garduque, abogado ng TAPE sa ulat ng GMA, Miyerkules.

"TAPE Inc. has the registration of the tradename Eat Bulaga so they cannot file infringement against the registered owner of the trademark. Their petition for cancellation of trademark of Eat Bulaga is still pending before the IPO and until such time that said petition is granted, the trademark Eat Bulaga and EB will be owned by TAPE Inc."

Pinasasagot ngayon ng Marikina City Regional Trial Court Branch 273 ang TAPE, Inc. at GMA-7 patungkol sa reklamo, bagay na kailangan nilang gawin sa loob ng 30 araw matapos matanggap ang summons.

Kung sakaling hindi sila makatugon sa takdang panahon, maaaring makapagbaba na ng hatol ang korte batay sa reklamo at ebidensyang naisumite.

"We will refer the complaint to our legal counsel, Belo Gozon Elma Parel Asuncion and Lucila Law Offices," wika naman ng GMA-7, na nag-eere sa "Eat Bulaga!" bilang blocktimer.

Kasalukuyang nasa TV5 sina Tito, Vic at Joey sampu nang marami pang orihinal na hosts ng "Eat Bulaga!" para sa programang "E.A.T." matapos lisanin ang TAPE, Inc. ilang buwan matapos sumabog ang isyung hindi pagbabayad sa kanila nang wasto.

Ginagamit pa rin ng TAPE, Inc. ang pangalang "Eat Bulaga!" sa programang ipinalalabas sa ngayon sa GMA-7 sa ilalim ng mga bagong hosts gaya nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, atbp.

Ika-7 lang ng Hunyo nang ikwento ni De Leon kung paano niya naimbento ang pangalang "Eat Bulaga!" noong 1979 na siyang ginamit na kalaunan sa palabas.

Sinasabing pagmamay-ari ng TAPE ang trademark ng "EB" hanggang ika-14 ng Hunyo, bagay na paso na. Ang production company, na pinakamatagal nang blocktimer ng GMA Network, ay pagmamay-ari ni Romeo Jalosjos Sr.

EAT BULAGA!

GMA-7

JOEY DE LEON

TAPE INC.

TITO SOTTO

TV5

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with