Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon inireklamo ng 'copyright' ang TAPE, GMA-7

Kuha kina Tito Sotto (kaliwa), Vic Sotto (gitna) at Joey de Leon (kanan)
Video grab mula sa Facebook page ng "Eat Bulaga!"

MANILA, Philippines — Naghain na ng pormal na reklamo ang mga orihinal na host ng "Eat Bulaga!" laban sa GMA-7 at isang production company dahil diumano sa "copyright infringement" kaugnay ng karapatan sa paggamit ng pamagat ng palabas.

Ang nabanggit ay naisapubliko ngayong Miyerkules matapos matangga ng Television and Production Exponents, Inc. (TAPE, Inc.) at GMA ang isang summons na siyang ipinadala ng Marikina City Regional Trial Court Branch 273.

Ang reklamo ay dahil sa "copyright infringement and unfair competition" sa ilalim ng Republic Act 8293 na isinampa ng TV host-comedians na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon habang nag-a-apply para sa paglalabas ng writ of preliminary injunction.

"You are hereby required, within thirty (30) days after service of this Summons, to file with this court and serve on the plaintiffs, through counsel, your Answer to the Complaint," wika ng dokumento sa GMA-7 at TAPE, Inc."

You are reminded of Rule 2, Section 4 of the 2020 Revised Rules of Procedure for Intellectual Property Rights Cases which proscribed the filing of a motion to dismiss except ony on the ground of lack of jurisdiction over the subject matter, litis pendentia, or res judicata, and instead allege any ground/s other than the ones previously mentioned as defense/s in the Answer."

"If you fail to answer within the time fixed, the court, on motion of the plaintiffs, or motu proprio, render judgment as may be warranted by the allegations in the complaint, as well as the affidavits and other evidence on record."

Una nang sinabi ng noontime show trio na lalabanan nila ang dati nilang producer na TAPE Inc. para magamit pa rin ang pamagat na "Eat Bulaga!" sa panibago nilang programa sa TV5.

 

Ika-7 lang ng Hunyo nang opisyal na kumpirmahin ng may-ari ng TV5 na lilipat sa kanila ang "TVJ" sampu ng iba pang original "Dabarkads," ito ilang buwan matapos sumabog ang isyung hindi pagbabayad sa kanila nang wasto.

Kasalukuyang ginagamit ng TV5 ang pamagat na "E.A.T" para sa palabas ng "legit Dabarkads" habang patuloy na patuloy na umeere sa GMA-7 ang "Eat Bulaga!" sa ilalim ng mga bagong hosts gaya nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, atbp.

Joey de Leon: Ako nag-imbento ng pangalan

Ika-7 lang ng Hunyo nang ikwento ni De Leon kung paano niya naimbento ang pangalang "Eat Bulaga!" noong 1979 na siyang ginamit na kalaunan sa palabas.

"Something came up sa aking utak in 1979 while having coffee sa kusina ni Tito sa White Plains. I was in the company of a certain Jess Espiritu. Hmmm, JESUS and HOLY SPIRIT? Salamat po," wika niya sa isang Instagram post.

Sinasabing pagmamay-ari ng TAPE ang trademark ng "EB," pero hanggang ika-14 ng Hunyo lang ito bago mapaso ang kanilang rehistro. Ang production company, na pinakamatagal nang blocktimer ng GMA Network, ay pagmamay-ari ni Romeo Jalosjos Sr. — may mga ulat mula sa News5

Show comments