Bukod sa talent at kakaibang charm ng sikat na grupong SB19, matatalino sila at merong pinanindigan.
Muling naging isyu at pinag-usapan ang music copyright na ipinaglaban nila sa kanilang mga kanta, kagaya ng Gento.
Mas mabuting mapag-usapan daw sana ito at hindi mahaluan ng ibang interpretasyon.
Sabi ni Stell, “Actually, maganda siya na napag-usapan kasi parang matagal na rin siyang isyu e, sa Pilipinas, ‘yung copyright, about music.
Pero, may mali lang talaga dun sa ibang part na nagkaroon ng bashing e. Kasi, ayaw naman namin matalakay ‘yung isyu ‘yung copy, pero may ibang artist na nadadamay or nada-drag down. Kasi, open kami na magkaroon ng kaalaman ‘yung mga tao, when it comes to music, copyright and everything. Pero sana napag-usapan siya nang maayos, and wala dapat sisihin. Kasi, kumbaga nandito naman tayo for everyone’s improvement. Nandito tayo para mabigyan ng knowledge ang bawat isa.”
Hindi maiwasang merong kumokontra at naging negative ang dating sa iba. Kung maayos daw sana ang pag-uusap, baka mas naintindihan ang naging mitsa ng bashing.
“Happy kami na napag-usapan, pero sana in a nice way. Sana, hindi siya na-misinterpret. Kasi, wala talaga siyang problem e. May mga negative lang e. Mga basher lang ang nagpalaki ng isyu.
Kaya, sana sa susunod maiwasan siya, and sana hindi na lumaki ‘yung ganung isyu,” sabi pa ni Stell.
Sa sandaling nakatsikahan namin si Stell, ipinakita niya ang katalinuhan kaya ang daming napapabilib sa kanya.
Ilan na nga rito ang mga kasama niya sa The Voice Generations na sina Billy Crawford, Chito Miranda at Julie Anne San Jose.
Pero ang isa sa very vocal ang paghanga sa kanya ay si Kakai Bautista na crush na crush pa siya.
Julie Anne, daring sa cheating…
Sa July 26 na magsu-showing ang pelikulang The Cheating Game ng GMA Public Affairs na pagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Sa nakita naming teaser, ibang-iba ito sa mga nagawa ni Julie Anne, lalo na kung ikukumpara mo sa pagiging Maria Clara niya sa history serye na Maria Clara at Ibarra.
Natawa si Julie Anne nang tinanong namin kung gaano siya ka-daring sa pelikulang ito.
“Hindi po ako ‘yun!” natatawa niyang sagot.
“’Yung pagiging daring naman po, it doesn’t just mean na kailangang magpakita ng skin...
“Siguro mas bolder ‘yung character, mas matapang, na mas empowered.
“You will really find out, kasi may kakaibang twist po ‘yung movie, at saka ‘yung story,” sabi pa ng Asia’s Limitless Star.
Kaya’t ‘di maiwasang kabahan siya rito.
“Actually, every projects naman po talaga, palagi pong kinakabahan kasi, iba-ibang ano e, iba-ibang rules. So, eto po ang Cheating Game, isang role na naman as an actress.
“Very excited as well, kasi siyempre, ibang Julie Anne ang makikita nila rito. Siguro mas mature ‘yung attack dun sa role.
“Nakakapanibago, but it was a humbling experience as well na kapag tini-tape namin ‘yung mga eksena sa movie,” dagdag niyang pahayag.
Dito rin masusubukan ang suporta ng JulieVer fans na hindi bumibitaw sa lahat na ginagawa ng magkasintahan.
“Siyempre ano e, siyempre, first movie naming dalawa ni Ray. Kaya, talagang... siyempre I’m happy and excited, and looking forward kami sa outcome. Kasi, hindi pa po namin napapanood pa e.“