Jolo, nagpasalamat na third wheel

Jolo Estrada

Napapansin na ang actor na si Jolo Estrada.

At ito ay dahil sa romantic film na Seasons, na recently ay number one most viewed film sa Netflix Philippines umpisa nung mapanood ito last July 7.

Third wheel si Jolo sa character na ginagampanan nina Lovi Poe and Carlo Aquino.

Siya si Hans, ang kasamahan at officemate ni Charlie, na gina­gampanan ni Lovi Poe, na walang humpay na humahabol sa kanya. Ngunit nang malaman ni Hans na wala siyang pag-asa sa kanyang matalik na kaibigan at in love ito kay Kurt, na ginagampanan ni Carlo Aquino, nahaharap siya sa isang dilemma.

Hahabulin pa ba niya si Charlie o susuko na lang siya na isang broken heart?

Nagpapasalamat si Jolo sa producer ng Seasons na si Roselle Monteverde sa pagbibigay sa kanya ng opportunity na maging bahagi ng nasabing pelikula. “It has been almost seven years since I first appeared on the big screen with my father’s film production, so I had jitters when I first came to the set of Seasons’ in Ilocos, but the cast and the crew welcomed me like family, including my co actors Lovi and Carlo and our director Easy Ferrer,” Jolo confesses. “They made me feel at home,” he adds.

Nakapasok na rin ang Seasons sa top 10 most viewed movie charts ng Netflix United Arab ­Emirates, Qatar at Kuwait.

Ang bagong pelikula, na na-conceptualize ni Lovi Poe at screenplay ni Dwein Baltazar, ay streaming na ngayon sa Netflix sa buong mundo.

Si Jolo ay anak ni Sen. Jinggoy Estrada at misis na si Precy.

Show comments