Dolly, ikinumpara si Kathryn kay Ate Guy

Kathryn at Dolly
STAR/ File

Sina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon ang mga bida ng pelikulang A Very Good Girl. Ayon kay Dolly ay talagang malaki ang pagkakapareho nina Kathryn at Nora Aunor. Napansin umano ni Dolly ang magandang ugali ng dalaga habang ginagawa ang bagong proyekto. “Walang kaere-ere, wala at all. In fact, ang nakikita ko talaga sa kanya, honestly, is parang batang Ate Guy. Kasi she’s so friendly. ‘Di ba gano’n si Ate Guy. She’s always welco­ming and very warm. So that’s what I learned from her, to be a warm person and to be you know, a person for the people,” nakangiting pahayag ni Dolly.

Malapit nang matapos ang shoo­ting ng pelikula. Inaasahan itong mapapanood ng mga tagahanga bago magtapos ang taon. Para kay Dolly ay maraming mga bagay rin ang kanyang natutunan mula kay Kathryn. “Sobrang cool na babae. Ang tingin ko kasi sa kanya dati, parang nerd na parang ano, geek, na parang boring. Cool siya, sobrang cool. She has may facets. She’s fun to be with. She’s funny. Nakakatawa siya, she’s kalog. She knows a lot. I’m learning a lot from her. Not just about the industry, but a lot of things,” pagbabahagi ng aktres.

Lyca, umaarte na rin

Mapapanood na simula ngayong July 19 sa mga sinehan ang Mary Cherry Chua na pinagbibidahan ni Ashley Diaz. Kabilang din sa naturang horror film mula sa Viva sina Joko Diaz, Kokoy de Santos, Abby Bautista, Krissha Viaje, Alma Moreno at Lyca Gairanod. Masayang-masaya si Lyca dahil muling nakabalik sa pag-arte sa harap ng kamera. Matatandaang unang sumikat si Lyca bilang grand champion ng The Voice Kids Philippines noong 2014. “Siyempre, kilala ako sa grand champion ng The Voice pero gusto ko rin mag-artista talaga. Gusto ko rin maging actress. Parang, ‘The Voice na ‘yan, singer na ‘yan, actress pa ‘yan.’ Parang nakakatuwa rin po sa pakiramdam na hindi ka lang kilala as a singer, kilala ka rin as an actor. Kaya ako sumasabak sa mga ganito,” paliwanag ni Lyca.

Kahit matatakutin ay nag-enjoy naman daw ang singer habang ginagawa ang bagong horror movie. Ang kwento ng Mary Cherry Chua ay hango sa urban le­gend sa isang eskwelahang pambabae sa Maynila. “Ako po kasi gusto ko mag-explore. Gusto ko malaman kung ano ang kakayanan ko kahit saang character. Dito sa horror movie na ito, super nag-enjoy ako kahit super akong matatakutin na tao at magugulatin akong tao. So talagang tinry ko itong horror movie na ito at nag-fit naman po talaga sa akin,” kwento ng dalaga. (Reports from JCC)

Show comments