Hindi na makaawra si Awra Briguela.
At lalong di siya makakaawra sa sinabi ni Ellen Adarna sa Q&A nito sa Instagram na “Lately ‘day, I think, this month, wala akong awra, wala akong rampa,” aniya nung may nagtanong sa kanya kung anong masasabi niya sa nangyari kay Awra.
“Wala akong awra at all. Lutang. Maybe next month. I’ve been busy this month, so, wala, haggard. Zero awra, zero rampa.
Kaya may nag-comment na hindi aura o rampa ang sinasabi nung nagtanong, kundi si Awra na nakulong matapos makipagrambulan sa bar.
Hindi niya raw kilala si Awra at wala siyang pakialam dito or something to that effect.
“It’s not my business. I’m not interested. I don’t follow showbiz, tabloid, tsika-tsika.
“I don’t know Awra. This is my kind of aura now,” sabi pa ng misis ni Derek Ramsay.
Well...