Ewan ko kung bakit parang rock bottom ang naging feeling ko noong Biyernes sa dialysis. Parang gusto kong umiyak at parang lungkot na lungkot ako.
Doon lang yata nag-sink in sa akin ‘yung pagkamatay nina Nap Gutierrez at Mario Dumaual. Very sentimental kasi ako, usually pumapasok ‘yung magagandang bagay na nagawa sa akin ng isang tao. Siguro noon ko lang naalala ang happy days namin nina Nap at Mario. Noon ko lang ganap na naramdaman ‘yung pagkawala nila.
Parang nagkaroon ng feeling of emptiness ang puso ko, nagblangko ang utak. Ganun yata iyon, kaya malungkot ako buong araw kaya sumakit ang ulo ko. Gabi na nang mawala ‘yung pangit kong naramdaman sa katawan ko. Nakatulog naman ako nang mahusay kaya nang magising ako ok na ako.
Pero alam n’yo ba na talagang down na down ang feeling ko that day. Kaya naman natuwa ako na naka-bounce back ako agad the following day. Pero gusto ko na huwag na sanang maulit pa ‘yung ganung feeling. Kasi nga parang very strange na makaramdam ako ng ganun at this point in time.
Dapat happy thoughts lang lahat, no more bad feelings, no more sadness and anger, dapat smile lang ang nakikita sa mukha.