Julia, nakaramdam ng hiya kay Aga
Halos hindi makapaniwala si Julia Barretto nang mabalitaan na makakatrabaho si Aga Muhlach sa isang proyekto. Magkakatambal ang dalawa sa pelikulang Forgetting Canseco ng Viva Films. “I don’t know, his real life? I’m on cloud 9. I’m deeply honored and really grateful to be a part of this. I meant it when I said I’m excited but really nervous. I’m working with the original heartthrob and the legend,” nakangiting pahayag ni Julia.
Matatandaang nakatambal ni Aga ang mga tiyahin ni Julia na sina Gretchen at Claudine Barretto noon. Aminado ang dalaga na nakararamdam ng hiya sa beteranong aktor. “Nahihiya pa rin ako how to address him. Actually, sa look test, I needed to ask for our photo to be sent to me. I sent it to mommy (Marjorie Barretto). This is my dream project. I’m really happy that this is happening. I don’t have any doubts. I don’t want to contradict anything that we will do. I’m really overwhelmed and I’m just grateful,” dagdag ng aktres.
Malapit nang simulan ang shooting ng bagong pelikula. Sigurado raw si Julia na marami siyang matututunan mula kay Aga pagdating sa trabaho. “I’m excited to learn. I’m excited to be stretched in so many ways doing this film and I think the best way to do that is to start with a new mindset. I don’t want to be negative with myself. I want to believe we will achieve what we need to achieve if we have the same goal,” pagtatapos ng dalaga.
Billy, maligaya sa bagong bahay ng Showtime
Masaya si Billy Crawford dahil napapanood na ngayon ang It’s Showtime sa GTV na pag-aari ng GMA Network, Inc. Matatandaang ilang taon ding naging host ang aktor ng naturang programa ng ABS-CBN bago pa lumipat sa Lunch Out Loud noong 2020 na naging Tropang LOL noong 2022. Nagtapos sa TV5 ang noontime show na kinabibilangan ni Billy ilang buwan na ang nakalilipas. “Nasa Paris ako that time. Pagbukas ko nakita ko nga kung ano ang nangyayari sa industriya. And you know my honest opinion and my feeling towards this, I am so happy,” bungad ni Billy.
Malaking bahagi ng buhay ng aktor ang noontime show ng ABS-CBN dahil dito sila unang nagkakilala ni Coleen Garcia. “I started with Showtime in noontime. I met my wife, I started my family through this show. I am so happy that kahit paano they are still not left behind. There’s still a home for them kahit paano. And that’s the same thing that GMA did for me. They welcomed me back kahit paano. So, it’s a new beginning and I’m very excited for Philippine TV,” pagbabahagi ng singer-host.
Mapapanood si Billy bilang isa sa mga coach ng The Voice Generations na malapit nang ipalabas sa GMA. Si Dingdong Dantes ang host ng programa at makakasama ni Billy bilang mga coach sina Chito Miranda, Stell ng SB19 at Julie Anne San Jose.
(Reports from JCC)
- Latest