^

PSN Showbiz

OPM Legend na si Nonoy Zuñiga, parte na ng “TNT”

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
OPM Legend na si Nonoy Zuñiga, parte na ng âTNTâ
Showtime hosts

Nagbabalik ang pinakamatagal na singing competition ng bansa sa ika-pitong taon nito para ipamalas ang pangmalakasang bosesan ng mga pambato mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa ika-pitong edisyon nito, sasamahan sila ng isa sa haligi ng OPM na si Nonoy Zuñiga bilang pinakabagong hurado sa TNT. Sa kanyang unang araw bilang hurado, kinanta niya ang kanyang hit song na Kamusta Ka.

Ayon sa Philippines’ King of Ballads, kinagagalak niyang mapasama sa TNT at masilayan ang pangmalakasang talento ng mga Pilipino sa kantahan.

“Very excited and happy to be here. Pipiliin natin ‘yung talagang magagaling na mang-aawit dito. Strikto akong (coach). Dapat 99.9%,” ani niya.

Bawat araw, tatlong mang-aawit mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang maglalaban-laban para tuparin ang pangarap nilang ma­ging kampyeon sa TNT. Ang mananalo naman ay didirecho sa “Face-Off,” kung saan kakalaba­nin niya ang defending champion.

Samantala, mula sa tatlong hurados babalik naman sa limang hurado ang kikilatis sa bawat contestant na sasalang sa entablado.

Sa unang araw ng kompetisyon, ang ginintuang tinig ni Yen Victoria ang nagwagi matapos siyang makakuha ng combined score na 92%.

Marami namang madlang people ang na sumusu­baybay sa show dahil nanguna ang hashtag ng show na #GoForShowtime sa Twitter trend list.

Staff and cast sa taping, kailangan na rin ng drug test

Grabe pala ngayong mag-taping. Hindi lang basta antigen test ang kailangan mong gawin, kailangan mo ring mag-drug test.

Yup, ganun daw ngayon kahigpit bukod pa sa kailangan ang comprehensive medical checkup / evaluation.

Meron kayang mga nahuling nagdodroga sa taping at may ganung rule ngayon?

On the second thought ang gastos nun.

Imagine lahat kailangan ng drug test at parang annual checkup.

SHOWTIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with