Isa si Kim Chiu sa mga host ng It’s Showtime na napapanood na ngayon sa GTV. Masayang-masaya ang aktres dahil sa nangyaring paglipat sa pag-aari ng GMA Network, Inc. ng kanilang programa. “It’s interesting, it’s something na papanoorin mo talaga and aabangan mo talaga. Wider ‘yung naging reach namin and we’re just very happy and very thankful na sa maraming platforms kami mapapanood. Mas maraming madlang people ‘yung mapapasaya namin,” nakangiting bungad ni Kim.
Ayon sa dalaga ay isang magandang senyales para sa entertainment industry ang pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN at GMA sa mga proyekto. “Hindi talaga natin masabi what will happen tomorrow. So we just have to enjoy kung ano ang nangyayari ngayon. Let’s live the experience. Embrace the change and be happy,” dagdag ng aktres.
Umaasa si Kim na mas marami pang Kapuso stars ang magiging panauhin sa kanilang noontime show.
Para sa aktres ay gagawin nila ang lahat ng makakaya upang mapasaya ang masugid na manonood. “Siyempre nakaka-excite ‘yon for madlang people viewers. Lahat naman ng ginagawa namin para sa madlang people. At least we give them a different taste,” pagtatapos ng dalaga.
Samantala, simula ngayong araw ay mapapanood na rin si Kim sa Fit Check: Confessions of an Ukay Queen sa pamamagitan ng Amazon Prime Video. Kasama ng aktres sa naturang 8-episode online series sina Jake Ejercito, Angel Aquino, Kylie Verzosa, Frenchie Dy, Kaladkaren, Liza Lorena at Christopher de Leon.
Belle, may gustong iparamdam!
Magaganap na sa July 22 ang Beloved concert ni Belle Mariano sa New Frontier Theater.
Sinisiguro ng dalaga na talagang mag-e-enjoy ang lahat nang manonood ng kanyang show. “It’s very exciting and I can’t wait for everyone to watch the Beloved concert. It will just be, you know listening to songs. It’s going to be an experience for them,” pahayag ni Belle.
Naibahagi ng aktres kung paano naging Beloved ang titulo ng concert. “We actually went to a bunch of names. ‘Believe’ ganyan, but we wanted to be different this time. We want the audience to feel loved, that’s why it’s ‘Beloved.’ We would like to do a story kasi how we represent the concert. We want it to be a journey for the audience,” paliwanag niya.
Mas maganda rin umanong mapakinggan muna ang bagong album ni Belle na Somber bago manood ng naturang concert. Kabilang sa album ang mga kantang Road Trip, Session Road, Pansamantala, Running Out of Time, Bugambilya, at Somber and Solemn. “Since the album is out na nga gusto kong maramdaman nila ‘yung message ng mga kantang kakantahin ko,” giit ng aktres. (Reports from JCC)