Nakakatawa naman ang balita Kaloka ‘pag nanonood ka ng old movies. Iyon bang karamihan wala na dahil nauna na sa atin sa heaven. Saka ‘yung iba naman siyempre iba na ang hitsura.
Nakakatuwa dahil siyempre ico-compare mo ang mga bagong gawang pelikula or serye sa mga lumang pelikula na napapanood mo. At kung minsan siyempre iba ang pagkakagawa ng mga lumang pelikula sa mga bagong gawa ngayon.
At nalungkot ako dahil nabasa ko sa isang old movie ang pangalan ni Nap Gutierrez as one of the PR. Nalungkot ako dahil sinabi ni Gorgy Rula na namatay raw si Nap sa isang facility ng DSWD sa isang barangay.
At doble ang lungkot dahil hindi mo alam kung may nag-asikaso o tumulong sa kanya during his dying hours.
Nakakalungkot ang mga ganitong pangyayari lalo pa nga at nakita mo ang dating lifestyle ng kasamahan mo. Hindi mo maisip na magiging ganito ang kasasapitan ni Nap dahil maganda naman ang takbo ng buhay niya dati.
Sayang ang lahat pero wala kang magawa.
Dasal na lang ang puwede mong ibigay dahil hindi mo naman akalaing ganito ang kasasapitan ng kanyang kapalaran.
Sana hindi ganito ang sapitin ng ibang kasamahan sa pagsusulat.
Sana mas maganda ang kanilang maging ending. Prayers for the soul of Nap Gutierrez. May you rest in peace. Amen.