Matapobre?: Mimiyuuuh bumwelta nang mabatikos sa 'never date broke people' remark

Kuha kay Mimiyuuuh, ika-4 ng Hulyo, 2023, habang ipinaliliwanag ang kontrobersyal niyang relationship advice
Video grab mula sa Instagram account ni Mimiyuuuh

MANILA, Philippines — Dumepensa ang social media personality na si Mimiyuuuh matapos banatan ng netizens sa ibinigay niyang relationship advice sa mga nais makipagrelasyon — bagay na nakitang matapobre ng ilan.

Ngayong linggo lang kasi nang mag-viral ang online sensation matapos magpayo tungkol sa mga "ex" na hindi nagbabayad ng utang sa panayam ng Cosmopolitan Philippines:

Never ever date someone na walang pera. Actually it matters. Dapat kasi stable ka muna sa sarili mo bago ka magdagdag ng tao sa buhay mo.

"Hindi naman po ibig sabihin na mag-date kayo ng mga milyunaryo, bilyunaryo, mga naka-Porsche. Hindi po ganoon. Mag-date kayo ng someone na may driver. Mag-date kayo ng someone na kayang dalhin ang sarili," paliwanag niya sa isang Instagram post nitong Martes.

"'Yung hindi mangungutang at aasa sa inyo. 'Yun lang po 'yun, period. Nalungkot po ako sa mga tao na sinasabi na matapobre daw po ako, na parang hindi daw po ako galing sa hirap."

View this post on Instagram

A post shared by mimiyuuuh ???? (@mimiyuuuh)

Paliwanag niya, galing siya mismo sa hirap ngunit hindi jumojowa noong wala pang datung lalo na't prayoridad niya raw ayusin ang kanyang sarili, pamilya at karera. Aniya, magandang "buuin muna ang sarili" kaysa "maging pabigat."

Ilang netizens ang nagpuntong insenstive ang mga ebas ni Mimiyuuuh lalo na't tila tinatanggalan daw niya ng karapatang magmahalan ang mga hindi pinalad sa buhay gaya ng mga manggagawa at magsasaka.

"Opo, pwede niyo naman po talagang i-date kahit sinong gusto niyo. Opo. Pero kung ikaw na po mismo hindi niyo magawang sustentuhan 'yung sarili mo, 'yung mga basic needs and wants mo, magdadagdag ka pa ba ng another responsibility ha?" wika pa niya.

"Opo. Relationships po are responsibilities."

Agosto 2022 lang nang ibalita ng Philippine Statistics Authority na 19.99 milyong Pilipino ang nabubuhay sa "below poverty threshold" na P12,030 kada buwan para sa pamilyang may limang miyembro.

Ang bilang na 'yan, na bumubuo sa mga taong hindi mapunan ang batayang pangangailangan, ay nasa 18.1% ng populasyon sa ngayon.

Malayo ang datos na 'yan sa numerong iniulat ng Social Weather Stations matapos lumabas sa kanilang survey na 51% ng pamilyang Pinoy ang mahirap ang tingin sa sarili.

Show comments