Mas marami pang nag-love sa post ni Rufa Mae Quinto na Go Go Go Philippines kesa sa bagong logo na Love The Philippines ng DOT.
Nag-post nga si Rufa Mae na naka-Filipiniana na kinopya ang font ng Love The Philippines.
Hahaha. Mas fun pa ang dating.
Controversial ngayon ang nasabing campaign ng Department of Tourism dahil sa ilang material na hindi pala sa Pilipinas kinunan kundi sa Thailand at Indonesia.
Susme sa dinami-rami ng maraming lugar sa Pilipinas.
Nag-apologize naman ang ad agency na gumawa nito.
Pero may nag-leak na conversation kahapon na diumano’y may comma talaga ito - Love, The Philippines!
Tinanggal daw ito ng DOT at bigla diumano’y involved na si Direk Paul Soriano at sila na ang nag-edit ng material at ‘di na kasama ang agency.
At ang mga sinasabing shot sa Thailand at Indonesia ay diumano’y ang grupo na ni Direk Paul ang nag-finalized. Ang mister ni Toni Gonzaga ang Presidential Adviser on Creative Communications na by the way ay malapit na uling maging tatay dahil manganganak na raw si Toni sa kanilang second baby.
So ano bang totoo?