^

PSN Showbiz

Joross, gustong idirek sina Alessandra, Angel , at Juday!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joross, gustong idirek sina Alessandra, Angel , at Juday!
Joross Gamboa

Kabi-kabila ang ginagawang proyekto ni Joross Gamboa ngayon. Magsisimula na ang shooting ng aktor para sa pelikulang Rewind na pagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Kabilang din si Joross sa The Missing Husband na serye ng GMA. Napapanood na sa mga sinehan ngayon ang pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars na pinagbibidahan nina Joross at Paolo Contis.

Sa ngayon ay nagbabalak na rin si Joross na maging direktor sa mga proyektong gagawin. Isa sa tatlong naiisip na mga konsepto ni Joross ay romantic-comedy ang tema. “Pwedeng digital or even global but isipin mo kung paano ang atake. Siyempre dapat merong influence of our culture, dapat may touch of Filipino. Bagong artista ang gagamitin ko. Pwedeng i-audition namin,” bungad ni Joross.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ni Joross na siya rin ang magsulat ng istorya sa mga gagawing proyekto. Isang sports comedy ang tema ng pangalawang nais gawin ni Joross. “Magugustuhan ito ng mga bagets because the treatment is light. About basketball, ako ‘yung bida. Sayang dahil ako na rin ang nag-direct, pero hindi ako ‘yung magaling. Ang bida ‘yung istorya. Inspired by Stephen Chow’s kind of comedy. Gusto kong leading lady si Alessandra de Rossi. Isa siya sa pinakamagaling na leading ladies pagdating sa batuhan ng linya. Kapag nag-absorb siya, may ibinabalik siya agad sa ‘yo. Magaling siyang artista. Laging may makukuha ka agad sa kanya. Magaling siya sa comedy at drama,” pagbabahagi niya.

Tungkol naman sa sakit na cancer ang pangatlong naiisip ni Joross na gawing pelikula. Ang personal na karanasan ng aktor ang naging inspirasyon ng kwento ng proyekto. “Ang mommy ko nagka-cancer but gumaling na rin siya. But my lola died of cancer in 2017. Ang gusto kong bida Angel (Locsin) or Juday (Judy Ann Santos). Tatlong may cancer then may nag-aalaga sa kanila. May pagka-Patch Adams na babae ang story. We can include Bea Alonzo then isang bata,” paglalahad ng aktor.

Pinky Amador 40 years na sa showbiz, gustong maging acting coach

Ipinagdiriwang ni Pinky Amador ang kanyang ika-apatnapung anibersaryo sa show business ngayong taon. Pinag-iisipan pa umano ng aktres kung paano ang gagawing selebrasyon para sa apat na dekada nang pagiging aktibo niya sa industriya. “Ang tanda ko na. I don’t know if I’m going to have a proper concert to celebrate my anniversary yet. Maybe next year, but you’ll never know,” nakangiting pahayag ni Pinky.

Nagpaplano ang magaling na aktres na muling subukang magtrabaho sa ibang bansa.

Bukod sa Miss Saigon ay marami pang stage musical play ang kinabilangan ni Pinky sa ibang bansa. “We’ll see. We still don’t know yet how things will pan out. My celebration will be delayed. I’d like to do strong women who fight against odds. Women of my age, women of a corporate background like lawyers, doctors. I’d like to do women of intelligence, women who are empowered and women who are fighting for something. Something that’s epic in proportions. Next year, we are under negotiations for me to start a play in Singapore,” dagdag pa niya.

Umaasa si Pinky na nakapagbibigay siya ng inspirasyon sa lahat ng kanyang ginagawa bilang acting coach at aktres sa entablado, telebisyon at pelikula. “I hope I was able to teach a lot of people, inspire a lot of people to continue with their craft, to train in performing arts, self-expression or self-presentation. At this point in my career where I need to be giving back. That’s where you find the satisfaction. That happened when I started teaching. I became head of the drama department of Mint College (2011 hanggang 2015),” pagtatapos ng aktres. — Reports from JCC

ACTOR

JOROSS GAMBOA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with