^

PSN Showbiz

TV5/TVJ nakalamang sa salpukan sa noontime, 10 million views agad!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
TV5/TVJ nakalamang sa salpukan sa noontime, 10 million views agad!
TVJ at DABARKADS

Sabog ang social media kahapon sa pagbabalik sa free TV nina Tito, Vic and Joey.

Ganundin sa pagpasok ng It’s Showtime sa GMA 7.

At sa itinuturing na salpukan / bardagulan ng tatlong noontime shows – E.A.T (TV5), It’s Showtime (GTV) and Eat Bulaga (GMA 7).

Pero base sa number of viewers sa digital platforms, wagi ang TVJ.

Habang sinusulat namin ito, 10 million na ang total views nila sa Facebook and YouTube.

Ginawa naman ni Vice Ganda ang lahat ng paandar, nag-chopper papunta ng GMA para sa opening number at kasama sa kanyang opening spiel na ito na ang ‘greatest plot twist’ dahil ‘di inasahan ng lahat.

At anticipated na ang pangungulelat ng Eat Bulaga kahit nag-celebrate sila ng monthsary.

Ang hirap manood, sa totoo lang, dahil gusto mong makita ang tatlong programa.

Buti na lang at may digital platforms, puwedeng ulitin mula sa umpisa.

Pumalo sa almost 500,000 ang concurrent viewers sa Facebook and YouTube ng TVJ habang almost 280,000 ang It’s Showtime at 1,800 ang Eat Bulaga.

At dahil nga siguro aligaga ang lahat sa panonood, nababago ang numero ng concurrent viewers sa Facebook and YouTube hanggang TikTok.

Trending naman ang labanan sa Twitter.

Bongga ang mga pangyayari kahapon ng tanghali.

Pero nakakabilib ang ginawang pagsalubong ng TV5 sa TVJ at ang buong Dabarkads. Buong bansa talaga ay napanood sila.

Napaghandaang maigi at activated lahat ng platform ng MediaQuest ni Mr. Manny Pangilinan.

Nasa audience si Pasig Mayor Vico Sotto at nakitang naluha si Pauleen Sotto na andun din at iba pang kapamilya ng TVJ.

Nagsanib-pwersa naman ang ilang malaking bituin ng ABS-CBN at GMA para makisaya sa unang episode ng It’s Showtime sa pangalawang free-to-air channel ng GMA na GTV.

Tiyak na panibagong laban na naman ito umpisa sa Lunes.

 

vuukle comment

EB

GMA

TVJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with