Ang tindi pala ng kinasangkutang rambulan ni Awra Briguela sa isang bar sa Poblacion, Makati noong Hunyo 29.
Sa kasalukuyan ay nahaharap ito sa mga kasong physical injuries, alarm and scandal, direct assault, at disobedience to a person in authority.
Ayon sa lumabas na report ng Southern Police District (SPD), nasa isang despedida party si Awra at ang kanyang mga kaibigan nang magkaroon siya ng interes sa isang lalaki.
Base sa sinabi ng lalaking nakilalang si Mark Christian Ravana, lumapit daw si Awra sa kanyang grupo, at nakursunadahan siya nito.
Tumanggi raw ang grupo sa gustong gawin nila Awra pero sumunod pa raw sa kanila ang grupo nito hanggang sa labas ng bar.
Hanggang dumating ang mga pulis at doon daw nagsisigaw si Awra ng kung anu-anong salita at habang sinusubukan itong posasan ay itinulak pa ang isa sa mga pulis kaya napilitan daw ang mga pulis na arestuhin ito.
Pero may ibang version din naman ang kaibigan ni Awra na si Zayla Nakajima.
May hipuan daw na naganap at prinoprotektahan lang siya ni Awra. Ayon sa unedited post nito : “This is to end all made-up stories circulating online about the Bolthole insident involving my dearest sister, Awra.
Last night, Awra and the rest of our friends decided to club-hop in Poblacion, then we ended up clubbing in Bolthole in Makati. To emphasize, the vibe there is very dark and it uncomfortably crippled to me that I dont feel safe, at all, immediately right when we entered.
“Minutes later, there’s one guy who creepily harassed me with two attempts. First attempt, he touched my bum and squeezed it – i was wearing bra-top at the time. Second and worse attempt, he tried to insert his barehands inside my bra. He is full-creep and been roaming around the club and every time he gets near to me, I avoid him and that’s where i draw the line. I decided to go home and leave.
“ After this harassment against me and my friend Mary Joy – my dear friend Awra confronted the guy very calmly after the party to defend me and our friend.
“And since he is a plain a**hole, Awra and this creepy guy got heated up and that’s where the trouble began. Just because Awra wanted to defend us from thid creep.”
Naghahanda raw silang magsampa ng kaso “against this abuser and best hope this truth reveals what truly happened.”
Badbad ang #JusticeForAwra na trending pagkatapos na kumalat ang mas maraming video ng mga pangyayari.
Base sa mga video kasi ay ang lalaki ng mga pulis na umaresto kay Awra.
Maging ang celebrity influencer na si Zeinab Harake ay hindi kinaya at nag-tweet ng “ Hindi na kinakaya ng sikmura ko ang sakit sakit sa puso #JusticeForAwra *Laban nakcha pinaka the best ka sa lahat walang makakabago ng tingin namin sayo lalong lalo na ako madami kaming andito para sayo.”
Si Atty. Gideon V. Peña ay na-tweet ng “The mugshot of Awra has been circulated, and is made to appear that she is guilty of violating the law. Why are we back to this practice of condemning people even before they are tried by a court? Kapag ba hindi anak ng DOJ Sec. hindi na dapat bigyan ng makataong pagtrato?”
Mabilis ang LGBTQIA community sa pagtatanggol kay Awra.
Bailable ang nasabing mga kaso ni Awra pero kundi naayos hanggang kahapon ay magtatagal siya ng kulungan hanggang Lunes.