Isabelle Daza tinanggihan ang malaking offer ng eat
Ang laki raw ng offer kay Isabelle Daza ng Eat Bulaga para maging co-host nina Paolo Contis, Isko Moreno, Betong Sumaya, Buboy Villar at iba pa.
Pero diumano’y hindi ito tinanggap ni Isabelle.
Hindi raw si Isabelle ang unang nakatanggap ng offer mula sa Eat Bulaga para maging co-host pero takot daw ang mga ito sa bashing kaya tinatanggihan.
Samantala, nabudol pala ang mommy ni Isabelle na si Gloria Diaz sa isang shopping app.
Nag-order daw ito ng toy na car with remote control pero pulos tissue ang dumating.
Na-reimburse naman daw ito ng kauna-unang Pinay Miss Universe.
- Latest