Ang pulis-pulisan

Pangarap ni Tommy Samonte na maging pulis. Kaya kumuha siya ng kursong Crimonology sa kolehiyo, pero hindi niya ito natapos. Naisip niya munang magtrabaho para kumita ng pera. (how much ba, bro?!)

“Kumuha ako ng training sa F and B, tapos napasok ako sa isang Chinese Restaurant. Nag-serve ako dun for three years. ” Pagkukwento ni Tommy. (may serbisyong totoo!)

Natigil s’ya sa pagiging food server, dahil na-discover siya ng isang agent at naisalang sa mga tv projects. ‘Yung plano sana niyang maging alagad ng batas, sa teleserye niya natupad. (ingat sa pagpapaputok…ng baril!)

“Hindi man natuloy ‘yung pagiging pulis ko, palagi namang pulis ang role ko sa mga te-leserye. Minsan security guard.  Minsan naman nurse.” Paglalahad ni Tommy. (sa susunod, karelasyon ko ang role mo!)

Sumalang din siya sa Sing-Galing ng TV5 bilang contestant, hindi man siya pinalad, pero naging masaya ang kanyang experience. “Hindi naman kasi ako kagalingan kumanta, pero kumakanta ako, hilig ko rin ‘yun.” (nahihilig na ata ako sa’yo bro!)

Nagugustuhan na ni Tommy ang showbiz. Gagawin na n’ya raw ang lahat para mapatunayang pwede siya maging aktor. Kamakailan, nabigyan siya ng eksena sa Vivamax. (pangarap ko rin ‘yan!)

“Hindi naman ako nagpa-sexy sa Vivamax. Pero kung bibigyan nila ako ng chance, gagawin ko. Kaya ko rin magpakita ng puwet.  Minsan ‘di mo rin alam kapag nandyan na ‘yung offer. Basta professional naman ako.” Pagpapaliwanag ni Tommy.  (may offer ako, bro!)

Inamin ng 25 anyos na binata sa kanyang guesting sa aming digital show na WTFu, na sa pagsabak niya sa trabaho, hindi maiiwasang lapitan siya ng bading. (itaboy mo sila! )

“Nung nasa restaurant pa ako noon, may mga kumuha ng name, number at minsan facebook ko. Kinakaibigan ko naman sila. Ilan sa kanila nakakausap ko pa rin ngayon. Sa taping naman, minsan may kapwa akong talent na nagyaya ng inuman sa bahay niya. Sumama ako kasi kasama naman ang ibang ka-work. Nararamdaman kong touchy siya.  Hawag sa legs, sa chest, sa t’yan. Sweet naman siya. Eh sweet naman ako, hinahayaan ko na lang.” (sweet din ako! pa-touch nga bro!)

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

Show comments