Buntis na ba si Pauleen Luna-Sotto?
Pinag-uusapan nga na preggy na siya lalo na sa last post ni Mrs. Vic Sotto. “Salon date with my best guy! Thank you @toniandguyph for always pampering us with love! Much love to you guys!,” aniya na mas naging visible ang konting umbok sa tiyan.
Hindi rin siya nag-attend ng wedding ni Kathleen Hermosa na ninong si Vic Sotto.
Sina Vic and Tali lang ang nakita sa kasal ng sister ng misis ni Oyo Boy Sotto, si Kristine Hermosa.
At hindi rin daw aattend si Pauleen sa wedding ni Maine Mendoza na ninong din si Bossing Vic this July. Out of town ang nasabing kasalan.
Wala rin si Pauleen sa mag-uumpisang programa ng TVJ (Tito, Vic and Joey) sa TV5 this July 1.
So buntis na ba siya at medyo gusto lang nitong i-delay ang announcement? Hintayin natin kung kailan siya magkakaroon ng announcement sa social media or baka naman sa July 1 ang formal annoucement?