TVJ, hindi mapapalitan!
Respect. Iyan ang dapat ibigay sa issue ng Eat Bulaga.
Sabi ko nga, institution na ang Tito, Vic and Joey. Kahit sino pa ilagay mo sa Eat Bulaga, ‘yung mukha ng TVJ ang makikita.
Trabaho lang, kaya tiyak na naiintindihan ng lahat na kung may gagawa ng programa o papalit sa oras nila, walang personalan iyon.
Respeto sa bawat isa ang kailangan sa mga ganitong bagay. Walang personalan. Walang kasalanan ‘yung mga tumanggap ng trabaho.
Hindi porke nagtrabaho sila feeling TVJ na sila.
Hindi ganun. Kailangan ang trabaho, tinanggap nila. Pero nandun ang galang sa mga nauna sa kanila.
Takot si Paolo Contis na tanggapin ito noong una, pero kailangan niya ng income at tiyak ako na tatanggapin din iyon ng ibang aalukin.
So bakit hindi puwede si Paolo Contis o si Buboy Villar o sinuman na nasa programa ngayon.
Sana maintindihan ng lahat na hindi nila pinapalitan ang mga nauna.
Trabaho lang huwag maging nega sa gustong kumita ng ikabubuhay nila.
Hindi ko maintindihan ‘yung bashing kay Paolo na pati issue sa anak lumalabas. Kailangan bang ipaalam sa ibang tao ang ginagawa niya para sa sarili niyang anak.
Dapat ba bawat plano niya sa mga anak alam ng lahat?
Hindi naman siguro ibibigay ng iba kung ano ang kulang ni Paolo.
Wala naman sigurong mag-aabono. Kaya pabayaan lang siya kung ano ang mga gusto niyang gawin.
Dahil ‘yung responsibility na iyon kay Paolo lang. Siya lang dapat ang managot. Wala tayong pakialam. Hindi bongga ha.
- Latest