Paolo, nakakapag-ipon na ng pambili ng bahay

Joross, Jules at Paolo
STAR / File

Bukod sa Eat Bulaga, may pelikula ring ipalalabas si Paolo Contis, Ang Pangarap kong Oskars.

Mula ito sa producers ng phenomenal hit movies na A Faraway Land, Dollhouse, Unravel at I Love Lizzy, MAVX Productions, sa direksyon ni Jules Katanyag.

Well, when it rains, it pours. Na nagaganap sa career ng controversial actor / TV host.

Kaya tiyak magiging active na naman ang bashers niya na nauna nang nagsabi na hindi siya affected at all ng kahit anong panlilibak sa social media.

“Wala akong time sa kanila. Never naman ako nagka-time sa kanila eh, so wala talaga,” sagot ni Paolo sa dating interview namin.

“Sa totoo lang they’re just background noise. To be honest my personal problems are my personal problems. Hindi porket hindi ko sya pino-post for everyone to see... hindi ibig sabihin wala akong ginagawa.

“And they’re just barking and barking sa mga bagay na technically feeling nila alam nila pero wala naman.

“Ang alam lang nila siguro mga 10-15%. Wala kayong alam sa buong kwento. So sinong mukhang tanga?” pahayag pa ng aktor  na ngayon ay ayaw pa ring tantanan ng bashers ng Eat Bulaga kung saan isa siya sa mga poste nito matapos iwan nina Tito, Vic and Joey ang programa.

Kahit noong kainitan ng kontrobersya sa kanila ni Yen Santos ay hindi raw naapektuhan ang aktor.

Mas grateful daw ngayon ang actor at talagang iniingatan nito ang kita sa Eat Bulaga dahil ayon sa kuwentuhan, bibili ito ng bagong bahay.

Anyway, kakaibang trip sa kababalaghan at katatawanan kasama sina Joross Gamboa at Paolo dito sa Ang Pangarap Kong Oskars.

Sundan ang biyahe ng isang Movie Producer na si Bobby B (Paolo Contis) at Director DMZ (Joross Gamboa) sa paglikha ng isang kakaibang Obra Maestra.

Nakasentro ang istorya nito kay Bobby B na gustong patunayan na kaya niyang makagawa ng isang pelikulang maaring makapaglagay sa Pilipinas sa international movie stage.

Sa tulong ng kaibigan na si DMZ, gagawa sila ng pelikula na kahit kapos sa pondo at suporta ng mga tao sa industriya.

Dahil sa kamalasan at kakapusan sa pelikulang gagawin, nakaisip si Bobby B ng kakaibang paraan para maisakatuparan ang malaking pagsubok na ito.Bukod sa Eat Bulaga, may pelikula ring ipalalabas si Paolo Contis, Ang Pangarap kong Oskars.

Mula ito sa producers ng phenomenal hit movies na A Faraway Land, Dollhouse, Unravel at I Love Lizzy, MAVX Productions, sa direksyon ni Jules Katanyag.

Well, when it rains, it pours. Na nagaganap sa career ng controversial actor / TV host.

Kaya tiyak magiging active na naman ang bashers niya na nauna nang nagsabi na hindi siya affected at all ng kahit anong panlilibak sa social media.

“Wala akong time sa kanila. Never naman ako nagka-time sa kanila eh, so wala talaga,” sagot ni Paolo sa dating interview namin.

“Sa totoo lang they’re just background noise. To be honest my personal problems are my personal problems. Hindi porket hindi ko sya pino-post for everyone to see... hindi ibig sabihin wala akong ginagawa.

“And they’re just barking and barking sa mga bagay na technically feeling nila alam nila pero wala naman.

“Ang alam lang nila siguro mga 10-15%. Wala kayong alam sa buong kwento. So sinong mukhang tanga?” pahayag pa ng aktor  na ngayon ay ayaw pa ring tantanan ng bashers ng Eat Bulaga kung saan isa siya sa mga poste nito matapos iwan nina Tito, Vic and Joey ang programa.

Kahit noong kainitan ng kontrobersya sa kanila ni Yen Santos ay hindi raw naapektuhan ang aktor.

Mas grateful daw ngayon ang actor at talagang iniingatan nito ang kita sa Eat Bulaga dahil ayon sa kuwentuhan, bibili ito ng bagong bahay.

Anyway, kakaibang trip sa kababalaghan at katatawanan kasama sina Joross Gamboa at Paolo dito sa Ang Pangarap Kong Oskars.

Sundan ang biyahe ng isang Movie Producer na si Bobby B (Paolo Contis) at Director DMZ (Joross Gamboa) sa paglikha ng isang kakaibang Obra Maestra.

Nakasentro ang istorya nito kay Bobby B na gustong patunayan na kaya niyang makagawa ng isang pelikulang maaring makapaglagay sa Pilipinas sa international movie stage.

Sa tulong ng kaibigan na si DMZ, gagawa sila ng pelikula na kahit kapos sa pondo at suporta ng mga tao sa industriya.

Dahil sa kamalasan at kakapusan sa pelikulang gagawin, nakaisip si Bobby B ng kakaibang paraan para maisakatuparan ang malaking pagsubok na ito.

Dala ang tapang, diskarte, isang camera, kasama ang mga elemento ng kababalaghan, matatapos kaya nila ang paggawa ng pelikulang ito?

Ang Ang Pangarap Kong Oskars ay isang pagpupugay sa tiwala, pagkakaibigan, at dedikasyon ng mga tao sa likod ng camera.

Ipinapakita rin sa pelikula kung hanggang saan at ano ang kayang isugal at isakripisyo ng isang individual upang matupad at maabot ang kanyang pinakaaasam na pangarap.

Mapapanood ang Ang Pangarap Kong Oskars sa sinehan mula sa Hunyo 28, 2023.

Show comments