Vice, takot malaos!
Sabi ni Vice Ganda takot daw siyang malaos. Lahat naman ng nasa itaas kinatatakutan ang araw ng pagbagsak.
Pero malaking bagay na para sa isang star ang matikman ang buhay sa itaas.
Masuwerte nga si Vice dahil matagal din siyang nasa itaas at talagang nabago ang buong buhay niya at ng kanyang pamilya.
Mahusay rin ang naging paghawak niya ng kanyang kita kaya naging maayos ang takbo ng buhay niya.
Hindi bale nang malaos, basta natikman mong maging sikat. Saka masarap na rin ang buhay niya kahit pa nga wala na sa itaas.
Pero sana nga tumagal pa ang kasikatan ni Vice.
Sanay ay maalagaan niya ito nang tama.
Alam naman natin na hindi lahat ng sikat ay nami-maintain ang kasikatan, darating at darating ang oras na mananamlay din ang career ng kahit sino lalo na nga sa panahon ngayon ng social media.
Lahat ay pwedeng maging star, kahit hindi naman mukhang star.
Hahaha. Basta. Dapat maging mabait at mahusay makipagkapwa-tao.
- Latest