Showtime, may bonggang welcome sa GMA; Dongyan nasa Star Cinema na!

DONGYAN

Talagang nag-iba ang showbiz landscape. Akalain mong co-producer ngayon ng comeback movie nina Dingdong Dantes and Marian Rivera ang Star Cinema, Rewind.

Partner nila ang APT Films and Agosto Dos Media.

Noon kahit na banggitin ang pangalan ng Kapuso stars sa ABS-CBN, bawal, pero ngayon heto at partner na sila.

Ang It’s Showtime nga raw, mismong si Mr. Felipe Gozon ang magwe-welcome. “We are happy to provide a home to It’s Showtime,” pahayag ni Atty. Gozon sa lumabas na statement sa GMA 7 at diumano magkakaroon ng bonggang contract signing sa pagpasok ng programa sa Kapuso Network.

Show comments