^

PSN Showbiz

Kathryn, bumwelo sa bagong pelikula

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kathryn, bumwelo sa bagong pelikula
Kathryn Bernardo

Nagsimula na kamakailan ang shooting ni Kathryn Bernardo para sa pelikulang A Very Good Girl.

Ayon sa aktres ay talagang nakaramdam siya ng kaba dahil mahigit tatlong taon na ang nakalilipas nang huli siyang nakagawa ng pelikula. “Naka-ten days na kami ng shooting. So far I’m really enjoying it. No’ng first few days sobrang bumubuwelo talaga ako kasi my last movie, ‘yung Hello, Love, Goodbye pa. So sobrang kabado ako,” nakangiting bungad ni Kathryn.

Si Dolly de Leon ang kasama ng dalaga sa bagong proyekto.

Isang malaking karangalan umano para kay Kathryn na makatrabaho ang magaling na aktres. “Oh my god, she’s so cool. I love her. Kasi siyempre no’ng una nakatrabaho ko pala siya when I was younger, no’ng nasa Endless Love ako. Tapos you know, she’s Ms. Dolly and alam natin kung gaano siya ka-busy. I’m just really grateful because she made time dito sa shooting namin. Binigyan niya kami ng ilang months para i-shoot ito with her hectic schedule. So ang supportive niya, super. So sa scene we had a deal na every time may gagawin kaming mga scenes together, pagta-trabahuhan talaga namin together to make it work. I’m just happy na gina-guide niya ako. Every step of the way she’s very supportive and I love her. She’s cool, okay siya talaga,” paglalahad ng aktres.

Kailangan umanong pakaabangan ng mga tagahanga ang bagong pelikula ni Kathryn dahil ibang-iba ito kumpara sa kanyang mga nagawa noon. “I’m just excited to see it kasi even the shots, ‘yung mga ilaw, and then ‘yung itsura ko rin do’n parang first time makikita ako na gano’n for a movie. May ibang nakaka-picture na nga eh pero ‘yung iba surprise na lang kapag nakita nila. Kasi the material talaga, more than anything, ang ganda ng material. And that’s the first time I’m doing that kind of genre,” pagtatapos ng dalaga.

Angeline, ipapasyal ang anak sa iba’t ibang bansa

Kapag walang trabaho ay sinisikap ni Angeline Quinto na makapiling at maalagaan ang anak na si Sylvio. Agad daw na umuuwi ang singer sa tuwing natatapos ang trabaho sa labas upang makasama ang supling nila ng kasintahang si Nonrev Daquina. “Gusto ko maka-bonding si Sylvio. Nalulungkot ako na kapag umaalis ako ng bahay at tulog siya, tapos pag-uwi mo tulog na din siya. So kapag wala akong trabaho talaga, nasa bahay lang ako and nagba-bonding kami. He calls me mama. Kilala na rin niya ang mga tao sa bahay at nabibigkas na niya ang mga pangalan nila,” pahayag ni Angeline.

Mahigit isang taon na ngayon si Sylvio. Ayon kay Angeline ay nakikitaan na rin niya ang anak nang hilig sa pagkanta. “No’ng pregnant ako nilalagay ko talaga ang earphones sa tiyan ko. So ngayon kapag naririnig niya na kumakanta ako, he will also hum. Nakakagulat kasi parang may tono na,” kwento ng singer.

Sa Setyembre ay makakasama si Angeline sa listahan ng mga artista ng ‘ASAP Natin ‘To’ na lilipad patungong Milan, Italy. Magkakaroon din ng mga show ang singer sa Europe sa Oktubre at Nobyembre. Kung maaari ay nais daw isama ni Angeline ang anak sa iba’t ibang bansa na kanyang pupuntahan sa parating na mga buwan. “Hinintay ko lang talaga na mag-one year old siya. Last year kasi no’ng nagkaroon ako ng US and Canada tour para sa tenth anniversary ko, medyo mataas pa ang cases ng covid sa US. So natakot ako na dalhin si Sylvio,” paliwanag niya. — Reports from JCC

ACTRESS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with