^

PSN Showbiz

Paolo, Betong, at Buboy, kinabog ang maraming kapuso!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Paolo, Betong, at Buboy, kinabog ang maraming kapuso!
Paolo Contis, Isko, at Buboy Villar.

Ewan kung bakit masyado nga yatang suwerte sina Paolo Contis, Betong, at Buboy Villar.

Napapanood na sila mula Lunes hanggang Sabado sa Eat Bulaga, hanggang sa Sunday show sila pa rin ang napapanood?

May mga show  pa sila sa gabi. At isipin ninyo, ilang contract stars ng GMA 7 ang matagal nang walang trabaho, hindi nabibigyan ng assignment at tapos natabunan pa ng mga nagtalunan mula sa Madre Ignacia (ABS-CBN).

Iyon naman ang inaasahang mangyayari talaga dahil ang nagpapatakbo ng kanilang talent arm na Sparkle ay mga dating taga-ABS-CBN din na natural mas may simpatya sa mga dati nilang kasama noon pa.

Ito namang mga taga-GMA, walang kilala kundi sina Betong, Buboy, at Paolo.

Showbiz scandal, nakakalimutan na lang

Isang magaling na singer si Patrick Quiroz.

Makikita naman iyan sa mga ginagawa niyang cover version ng mga sikat na kanta sa social media at siya rin ang batang sinabi ni Rey Valera mismo na, “Marami kang patataubing singer.”

Narinig niya ang timbre ng boses, ang style sa pagkanta at ang hitsura ni Patrick na ang dating nga ay pang-matinede idol.

Pero lahat nang iyan ay nawala nang may “pumalag” na isa pang baguhang si Rhys Miguel na nagsabing ginapang daw siya at hinalay ni Patrick sa lock-in taping nila noon ng seryeng He’s Into Her.

Hindi lang daw lumaki noon dahil sinabihan sila ng producer nila na tumahimik na muna tungkol doon dahil makakasira at baka hindi na matuloy ang project kung kakalat agad ang iskandalo.

Nangako naman daw ang producer na gagawa sila ng imbestigasyon at kaukulang aksiyon.

Hindi lang iyon, may isa pang lalaki na nagsabi ring pinagtangkaan siyang halayin ni Patrick, nagi­sing nga lang agad siya nang galawin na noon ang kanyang private parts.

Pero simula nang lumabas iyan, wala ngang aksiyon.

Ganoon lang hanggang sa tumahimik na ulit ang lahat at mukha ngang nakalimutan na lang ang mga issue.

Ngayon magkasama na naman sina Patrick at Rhys sa GMA 7.

Diumano’y ginamit ang kanilang impluwensiya ng iba para pigilan ang pagkalat nito, pero walang ginawang damage control.

Isa pang example si Paolo Contis, pinakasalan niya at nabuntis si Lian Paz. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Pero pagkatapos noon nakakita siya ng ibang babae, si LJ Reyes na
nagustuhan din niya, nabuntis din niya si LJ at tuluyang pinabayaan ang mga anak niya kay Lian Paz.

Nanahimik na lang sila, tutal nakapag-asawa na naman si Lian, at ang mga anak niya ay inako na nga ni asawa noong si John Cabahug. Pero dahil walang ginawang pagtutuwid sa nangyari, nang makita naman niya si Yen Santos, isinama niya sa Baguio “as a friend”, iniwan niya si LJ Reyes at ang kanilang anak na si Summer.

Ngayon mag-aasawa na si LJ, at masaya na ulit si Paolo.

Pero walang damage control na totohanan.

Dapat laging may tamang pagtutuwid.

Naalala ko lang dahil may mga isyu na naman na parang nakakalimutan na lang na hindi nabibigyan ng tamang damage control.

vuukle comment

ACTOR

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with